paano masasabing ang isang bagay ay maganda kung alam mo na lahat ng bagay sa ganung paksa ay sa maling oras nagsimula…mabubulagbulagan ka pa ba?…oo tatanggapin mong hindi lahat ng bagay na kahit ibigay mo ang sarili mo ng buo…kusa at kusa paring mawawala sayo…ng walang hudyat ng panahon…at kasiguruhan kung kailan yon…
utak piga
Oktubre 6, 2008
kagagaling ko lang sa office…nakakapagod…tawag kain ng chicharon…pahinga….kain ng chicharon…tawag ole kain ng chicharon…may officemate kasi kaming generous aba wala ng ibang gawin kungdi pakainin kami ng mga nakakamamatay na pagkain…hehehehehe…pero masaya naman kasi masarap lahat ng bagay na nakakamatay…lahat ng bawal masarap…parang kami ng tropa kong wala ng ibang ginawa kung kumain ng mga pagkaing nakakapagpaikli ng buhay…
Sa totoo lang naasar ako sa mga taong wala ng ibang ginawa kungdi magpaalala na alagaan ng aking kalusugan…ewan ko…may sumpa ata kapag may pumasin sa laki ng katawan ko o kung ganu ako kalakas kumain…tangna…naaawa ako sa kanila kasi napakapakielamera nila…kasi kung panahon mo ng mamatay…mamamatay ka…may mga oosie akong kilala na sa sobrang kalinisan madaling magkasakit…may kilala naman akong physically fit pero leche may cancer…may kilala akong pogi pero may herpes…may kilala akong sobrang hinhin dati pero sya ang naunang nabuntis saming magkakaibigan…at higit sa lahat may kilala akong consious sa pagkain at ayaw kumain ng mga pagkaing kalye pero cya ang may hepatitis…nakakaloko diba…kaya kung mamarapatin mong mamuna sa kinakain ko…siguraduhin mong wala kang diperensya…dahil kahit ganu ka kasama o pakiramdam mong maging pilantropo o maging isang good samaritan na pakiramdam mo madalas tama ang mga sinasabi mo…hindi kita papakielaman…kasi may sarili kang pagiisip…pero wala ka paring karapatan manira ng tao harap harapan…titi mo lang ang sandata mo sa buhay…at wala kang maipapagmalaki kasi kahit ikaw hindi mo kayang makita kung anu at san ka lulugar sa sarili mong buhay…at hindi kita kokomprontahin…kasi nga sinabi ko na kanina may utak ka…alam kong madals mong tuligsain na tomboy ako…oo aminado naman ako dun…pero wala ka paring karapatan na magbiro araw araw…na kapag kadalasan nababnggit nagiging sensitibo!gago!…uulitin ko…titi lang ang sandata mo sa buhay…at hindi kita kokomprontahen kahit alam kong nagmamarunong ka lang sa mga bagay bagay!…
Ayan mababa na presyon ko…kaya kakain ole ako ng chicharon…hehehehehehhehehe….
Nobyembre 21, 2007
kalma
Posted by bobkamote under utak piga | Mga Marka: minsan nangamote na naman ako |Leave a Comment
Badtrip ako…pero hindi ko sasabihin kung baket…nanginginig na naman ang mga laman laman ko kahit hindi ako uminom ng kape…ewan ko ba…ang hilig ko kasing magbasa kaya nabiktima nanaman ako…anu na naman ba ang iisipin ko…naiiinsecure ba ako…hindi naman siguro…pero bothered ako…pero hindi ko parin sasabihin…hindi naman makitid ang utak ko…pero naiinis ako…kasi naman nagbasabasa pa ako…ayan tuloy…tinotoyo na naman ako…ayaw ko kasing magsalita…nagpapakalunod ako sa lahat ng mga iniisip ko…baka kasi may biglang magbago…anu namang magagawa ko…natatakot kasi ako…bahala na …basta kaya ko ito…umaasa padin akong matutupad ang mga pangarap ko…kasi mabait naman akong tao…nakaklungkot lang kasi minsan talagang minamalas ako…pero ok padin kasi nakakabangon naman ako eh…nakangiti padin…katulad ng araw araw kong ginagawa…gusto kong umiyak…pero pinipigilan ko…kasi ang alam ko padin…ok lang ako…sana humupa na tong nararamdaman ko…kasi mabait at mahinahon naman ako… isip kong masama…tama na…
Oktubre 10, 2007
Para kay ‘A’
Pare kamusta na…matagal natayong hindi nagkita…naalala mo ba nung una…kagagaling ko lang sa sakit nun kaya lahat ng nakikita ko fresh…sige isasama na kita dun…bagong mukha eh…akala ko nga bakla ka…kasi ang hinhin mo…ang lamya mo pang tignan…pero pare ok ka…kaya nga matatamis ang ngiti ni ms. minchin sayo nun…siguro pogi ka para sa iba…kasi mas pogi ako sayo…mas matigas pa…nyahahaha
Naging mgakatabi tayo sa trabaho ako sa kaliwa ikaw sa kanan…makulit tayo…lalo na sa ung trabaho natin…makulit…paulit ulit…pero ok lang masaya naman eh…hehe… Malakas ang loob kong kausapin ka kasi mag kaiskul tayo…alam ko kasing pareho tayo ng likaw ng bituka…malamya ka lang tignan pero matulis ka…diba?… J
Una tayong nagkasundo sa malulupit nating power tripping sa mga pangkaraniwang bagay…sa lapis sa drawing at kung anu anu pang pinaguusapan natin lalo na sa mga chicks mong my pilay, my bulag, my pipi…lahat na ata ng may kapansanan nakolekta mo…nagiging gf mo…
Nauso ang porkchop kila ate alaskadora…tayo lagi ang number 1 client nya…ang saya laging may reservation…siyempre espesyal tayo anu pa ba…lagi pa nga tayong late…un ang contest natin…ang pumasok ng maaga baduy…pero madalas ikaw ang panalo eh…lagi akong olats sa category na un…Naalala mo pa ba nung nagkasipon ka?..kinikilig ako kapag sumisinga ka…ang sweet sweet mo pa nga nun kasi sabi mo isipin ko nalang lahat ng putahi na gusto ko kapag humahatching ka…feeling ko pa nga nun ang haba ng hair ko kasi iniaalay mo sakin lahat ng tishung pinagsingahan mo…nakakatuwa…ang lambing lambing mo talaga…
Ang cute cute mo pa nga kapag tumatawag ka…ang halay ng boses mo…pare puro hininga…yan tuloy halos lahat ng kausap mo laging sinasabi…’today is our meeting day’…pero ok lang…nageenjoy ka naman diba…
Natandaan mo ba nung umulan ng malakas…apat tayong magkasama,c Arlene, c angela,ikaw at ako…nakakainis kaya nun kasi maaga naman tayong umuwi nalate lang kasi wala tayong payong…ang pogi ng get up mo nun…nakaleather shoes ka na kamukha ng sapatos ng tatay ko sa picture noong siyam na taong gulang pa lamang sya…grooving slaks…at siyempre presentableng polo na bakat na bakat ang pintog ng chan mo…naisip ko tuloy na bagay tayo…Kapag nagyoyosi ka…parang naaamoy ko ang hininga mo…ambango-bango…parang dama de notche…dagdag pogi points un diba…
One time lunch break natin, tamang trip ng mga ofismates natin…jolibee ang tanghalian natin…favorite mo pala ang chickenjoy…kumabog ang dibdib ko…hindi dahil sa gusto kita…kasi pang isang order nalang ang natitira…eh dalawa tayo…pano na?…pero wala naman palang problema kasi marami pa pala sa loob…Feeling ko nga nun gusto kong magpanic buying ng chicken joy… ayos masaya parin… Pinagmamasdan kitang kumain…katulad padin ng dati malamya padin…dahan dahan…maingat…Iba ka talaga tol…siguradong kapag may hindi nakakakilala sayo unpredictable ka…para ka kasi talagang bakla…pero pinapaalala ko…matulis ka nga pala…katulad ng taong nasa kwento mo kapag may night out ka…panalo diba…kaya yamado ung iba…
Kaya lang wala eh…panggabi kana…namimis na nga kita eh…pogi ka kasi…mabango pa…wala pakong kaututang dila…kaw kasi pogi ka kaya panggabi ka…my policy ata si ms. minchin na kapag bakla at tomboy pang-umaga…hahahahahaha
Lagi nga kitang sinusulatan nun…kasi miss na kita…wala ka namang ibang sinagot kundi mga drawing mong ikaw lang ang nakakaintindi…pero ok narin..my kilig factor ng onti…mga forty percent…Sayang ok pa naman ang chemistry natin…kaya lang panggabi kana…chaka nakakatampo kadin…kasi lagi mo lang ako naaalala kapag sweldo na… buti sana kung inaambunan mo kami ng balato kasi lagi kaming nakikipagtalo sa teller dahil ipinipilit naming ung ID picture mo na parang drinowing lang ng bata.. pero ok narin siguro at least nakaalala ka…
Sana bonding tayo…ung malupet…iinom tayo ng tig isang tumbler ng gran matador tapos tatalon sa pool…kakaiba ba…ganung kasi akong magpantasya…hahahaha…
O pano hanggang dito na muna 4:40 na eh …kelangan ko ng magpaganda…kasi malapit na uwian…at siyempre wala padin kaming ginagawa…pare mis na kita…paramdam ka ha…saramhami dabo!!!!!!!!!!!