kukurukuku


hindi ko maintindihan minasan bakit ang mga tao may toyo…minsan nakakapangliit kapag napapasama ang pagiging concern mo…hindi ko masasabing ok ako…dahil sa isang daang bagay na nakapilang gagawin ko sa isang araw laging ikaw ang nasa una…mahuli ko man malaman at ikaw ang pang isang daan…wala paring magagawa ang siyam na put syam na mga iteniraryo ko…dahil kahit anung mangyari…ikaw at ikaw padin ang uunahin ko…hindi ko pinamumukha sayong wala kang alam sa mundo…hindi kasi ako katulad nga mga taong sinusuko mo na at kinaaayawan mo…gusto ko lang mapabuti ka…at sa kabilang banda maging malaya…sa mga gusto mong gawin at sabihin…sa mga gusto mong isipin para timbangin…

bakit ang mga tao basta basta nalang nagrereact…na puro lang damdamin habang natutulog ang isip…katulad lang ng mga tambay na nakakasalubong ko sa kanto…nagalit ung isa dahil minura siya…gumanti ng mura ang isa…hanggang sa nagrambulam sila…magulo diba…kasi walang gustong magpakumbaba…parehong ayaw isipin na mali sila…na pareho nilang iniisip na pareho silang nasaktan imbis na nakapanakit…ayokong tumanda sa isang mundong ganito ang mentalidad ko…kaya binabalanse ko magisip…pero minsan pumapalya ako…kasi minsan nauubos na talaga ang pasyensya ko…pero hanggang kailan ko nalang itatago sa sarili ko ang mga bagay na hindi ko naman dapat itinatago…na dapat nalalaman at naririnig mo…nangangarap akong isang araw…na hindi na mga mugto kong mata ang mangungusap sayo…kasi kapag nangyari yon…alam kong may natutunan kana sa buhay mo…

kanina rushing akong papuntang office kasi naman malalate na naman ako…nakakahiya naman kasi dahil naregular ako kahit medyo marami akong late noon…bad trip kasi ang mga daan samin…ung tipong paggising mo bigla nalang may hinuhukay….planet buwan na nga ang tawag ko sa lugar namin…pero panalo sa gravity kasi naman ang mga digging truck nagkalat para mamutas ng mamutas ng daan na karaniwang dinadaanan namen…ang epal kasi ng nakaisip na magbungkal ng magbungkal ng mga daan tuwing tag-ulan…kung sino man sya hindi sya cool!

Awa ni Lord at nakarating ako ng office ng 8:57am…ayos naman ako…magulo nga lang ang buhok ko…pang commercial ng shampoo na mahangin sa labas…para akong rockstar na mataba…pero neat padin…pero mabaho naman ang paa…umuulan kasi kung saan saan ako naglulusot…nasira kasi ang payong ko fushia…pati wax ko sa buhok wala na nakakinis diba?…ok lang maayos padin naman ako…hehehehehe

paglapag ng gamit ko sa office…binuksan ko ang computer ko para magcheck ng mail..at ako ay biglang nagulat…isang tao ang hindi ko na inaasahan na mag-eemail saken ay nag email…nakakainis lang kasi nagusap na kami… ang kulet naman ng mga X…para siyang multo na bigla nalang sasama sa hangin at mawawala…tapos bigla nalang lilitaw paglingon mo…at ibubulong sa likuran ng iyong tenga na mahal ka parin nya…ang labo hindi ba…pero sana naiintindihan nya na multo na sya at ako ay mortal pa…at hindi kailanman pa kami magkakasama…dahil pinili kong mamatay sya keysa naman pareho nga kaming mortal pero hindi naman kami masaya…nakakainins lang kasi bigla bigla nalang nagpaparamdam…ipinagdasal na kita kaya manahimik kana…ok  na kasi ako…lahat ng sakit sa puso ko…lipas na…at ayokong lahat ng naramdaman kong yon papadama ko sa iba…kasi masakit yon alam mo ba?!…at hindi ako siraulo para gawin yon sa iba…alam mo naman kung paano ako magmahal hindi ba?…at wala kang ibang pinaramdam kundi hindi kita kaya..oo kasi mabait ako…hindi ako ngatatanim ng galit,marunong akong umintindi, at ako parin ang umiintindi kahit ikaw ang dapat umintindi…naalala mo ba?…nung lumaban ako sa mga holdaper dahil ayokong hahawakan ka nila…at kahit umuwi akong nakapaa at sugat sugat ang buo kong talampakan hindi ko ininda…nakangiti ako kahit putok ang labi ko at puro pasa ang aking mukha…kasi nasa isip ko nun ligtas ka naman eh…pero after kong mabugbog…nagalit ka…iniwan mo akong mag-isa…pero wag kang mag-alala kasi hindi ako nagalit o nainis sayo nun…kasi tanggap ko lahat sayo eh…ang pagiging mainitin ng ulo mo…pagiging masungit mo…pananampal at panununtok mo kapag may tao…ang pagpapaintindi mong walang katulad ang kakitiran ng utak ko at wala akong kwentang tao…lahat kasi yon musika sa tenga ko kapag sinasabi mo…pero kasi iba na ngayon…sukdulan na ang pagsuko ko…natapos na ang yugtong ikaw ang kasama ko…may bagong chapter sa buhay ko…at sisiguraduhin kong magiging masaya kami ng kasama ko…kasi ibang iba sya sayo…at masyado syang espesyal para saakin…katulad padin ng dati kong ginagawa…iingatan ko sya…kasi yun ang nararapat sa isang taong para saakin ay mahalaga…’kasi kaluluwa mahal na mahal ko siya’…mas higit pa siguro sa sarili ko…kasi kahit hindi ako matulog basta siya ang kausap ko…ok na ako…alam mo ba…etong blog na ito…habang patuloy ang pagdagdag ng mga istorya dito…lagi mong iispin na nagagawa ko to kasi siya ang nasa tabi ko…siya ang nakayakap kapag nalulungkot ako…nagagalit sya kapag nasasaktan ako…nagaalala sya kapag may sakit ako…at isa sa mga pangarap nya ay tumawa at maging masaya ako…ayaw nyang iiyak ako dahil sa kanya…siguro naramdaman nyang ayaw kong ako rin ang dahilan ng pagluha nya…’kaluluwa matagal na kitang pinatawad’…katulad ng dati kong ginagawa kapag nananakit ka…hindi man ako masalita at laging nakangiti kahit durog na durog na…tinupad ko ang pangako ko na alam kong hindi mo na naalala…ang yakapin ka parin kahit maging isang mabangis na hayop ka…pero the end na…hinding hindi nako babalik pa…kung anu man ang mga napagtanto mo nung ako ay nawala…iparamdam mo nalang po sa iba…siguro sa ganung paraan may mga nilalang kang mapapasaya…’kaluluwa bumalik kana sa iyong pinanggalingan’…hinihintay kana ng isang kaluluwang tinatanaw ka sa malayo…naaaninag kong malinis naman ang kanyang puso…alam ko ring paglipas ng panahon mapapanatag narin ang loob mo…’kaluluwa palayain mo na ako sa iyong puso at diwa’…

Sampung bagay na kinaaayawan ko para sarili ko at sa paligid ko….

1. ayokong nagbubuntong hininga ako
2. ayokong nagagalit o naiinis si tol
3. ayokong naghahabulan ng kutsilyo ang nanay at tatay ko
4. ayokong nalulungkot ako
5. ayokong malate sa office
6. ayokong nalalate ako at nag aantay si tol ng matagal
7. ayokong hindi nakakausap si tol
8. ayokong maghirap kasi maarte ako
9. ayokong umiyak o malungkot si tol dahil sa akin
10. ayokong mawala si tol sa buhay ko

Sampung bagay na gusto ko…

1. gusto kong maging successful para sa pamilya ko at mahal ko
2. gusto kong matanggap ng parents ko ang preference ko
3. gusto kong matanggap din ng mom and dad ni tol ang preference nya
4. gusto kong maging masaya ako at si tol
5. gusto kong magkaron ng lesbian company….bawal ang straight employees
6. gusto kong kumalma lang si tol lagi at tumawa ng tumawa…
7. gusto kong hindi ako umasa sa mga bagay na impossible kong makuha pero magtratry padin ako
8. gusto kong laging hawak ang kamay ni tol
9. gusto kong umiyak pag nasasaktan ako
10. gusto kong si tol ang una’t huli kong makikita before at pagkatapos kong matulog

Minsan may isang nilalang na nahumaling sa isang ibong na kay ganda…ginawa nya lahat para mapaamo ang ibon na nais nya…ginawa nya iyon ng buong puso…walang takot at pagdududa…naghihintay sya simula takipsilim hanggang bukang liwayway…matanaw lang ang ibong malayang namamayagpag sa kalangitan…tahimik nyang minamasdan ang makukulay at magigilas nitong pakpak habang nakikipaglaro ang buo nitong katawan sa walang hanggang alapaap…nasisiyahan sya sa makapangyarihang huni nito na umaalingawngaw sa gilid at pagitan ng mga kabundukan…at hindi nya alintana ang pagod habang sya ay pirming nakatingala…madalas ang nilalang na magsaboy ng kanyang butil ng pagmamahal…na marahan namang kinakain ng katangitanging ibon ng hindi nya alam…. Umamo ng ibon…natuto na itong magtiwala sa nilalang…pitong araw na silang magkasama…madalas magpakitang gilas ang ibon sa himpapawid…habang ang nilalang naman ay patuloy na humahanga…umiiyak ang puso nya sa saya…dahil sa wakas ang ibon at sya ay tuwirang magkasama… Ngunit isang araw…sa muling paglipad ng ibon…may isang ibon ang tila nakipaglaro sa kanya…nakita ito ng nilalang…ang iyak ng saya sa kanyang dibdib ay napalitan ng selos at kalungkutan…sa isang iglap…ang marahang nilalang ay biglang bumagsik…at unti unting nilamon ang kanyang puso ng poot at galit…hinuli nya ang ibon at ikinulong sa hawla…tahimik ang ibon…ni pagaspas ng pakpak o simpleng pag huni ay wala…nakatingala ang ibon sa kalangitan…habang pinapanood ang ibong kalaro nya sa nakaraan…ang ibon ay unti unting nanghina…hindi kumakain o maglaro man mag-isa…wala magawa ang nilalang…tumatangis sya sa harap ng hawla…bulong ng nilalang sa ibong walang sigla…’ibong maharlika…palalayain na ba kita?’

pic91.jpg 

Masama ang gising ko…pero hindi ko alam kong bakit…nagalmusal ako pero ayaw kong kumain…nahihiya ako sa nanay ko kaya pinilit ko nalang ipasok ang mga pagkain sa sistema ko…pero hindi ko parang alam kong bakit…iba na naman nararamdaman ko…naninikip naman ang chan ko ngayon…nakakainis…panget naman…hindi ko rin alam kung anung naisip ko at gusto kong pumasok na nakatodo corporate attire…isang light orange na long sleeve polo…baston na slacks…trench coat na hanggang taas tuhod ang haba…isang rayban black shade na bagay na bagay sa aking mukha…leather shoes na galing pa italya…nagtataka ang mama ko…sobrang kakaiba daw ako…pinagbintangan pa ngang napromote ako…dahil sa kakaibang asta ko…sa isip ko…’siyempre may lalala pa ba sa isang tibo…Feeling CEO ako ngayon kaya eto ang susuutin ko…pero teka…wala nga pala akong kotche…anu bang gagawin ko…ay oo nga pala…susunduin ako ni rashid…ung barkada kong topak na galing largo…sabay pala kaming papasok…24 yrs old narin si rashid…isang Filipino Chinese na nanirahan dito sa Pilipinas noong 1990…maganda at edukado ang kanyang pamilya..at pihadong masipag kasi Chinese cya…Masaya rin cyang kasama…makulit at madaldal rin sya…may gusto akong ugali nya…ang maging totoo at sinsero sa lahat ng kanyang mga salita…ayos na ayos na…sana kasing tapang nya ako…na hindi na nagiisip kung anu man ang lumabas sa bunganga nya…hirap kasi akong gawin yon…nakaktakot kasi…ayaw ko kasing may nasasaktan dahil lang sa pagiging arogante at iresponsable ko sa mga sinasabi ko…Sabi ni rashid mag-aasawa na daw sya…tumugon naman ako ng ok ah…gudlak pare ah…buti kapa…natawa sya…’bakit ikaw pde naman diba’…ang sabi ko naman…’mahirap pare sa isang tulad ko…isang taong dinesenyong maging siraulo at kakaiba…pagdating sa mga ganyang bagay kasi…hindi ako masalita…hindi rin ako maplano…dahil walang permanteng bagay sa isang tulad ko…isa kasi siguro ako sa mga taong pwede nang mabuhay na puro alaala lang ang dala…kasi madalas ang mga katulad ko nagiisa…mejo magkaiba kasi tayo ng mundo…ang espesyal lang eh naiitindihan mo ako…salamat ha…astig ka’…natahimik si Rashid na parang ninamnam ang mga sinabi ko at muling tumugon…’ok ka naman pare ah…hindi ka naman panget…adorable ka nga cute pa at sobrang daming kaibigan…successful at alam dalin ang sarili…sa totoo lang intimidating ka…dahil marami kang kayang gawin…mas matapang ka pa nga sakin…dahil focus ka at persistent…concreto mong alam kung anu ang mga gusto mo’…natawa lang ako kasi talagang naaliw ako sa sinabi nya…’pare kahit alam mo kung anu talaga ang pangarap mo sa buhay…hindi naman lahat yun makukuha mo…kaya mangarap ka lang ng mangarap…kasi malay mo sa limang bagay na pinapangarap mo…matupad ang tatlo…hindi na masama diba?…chaka nasa sayo naman na yan eh…kung paano mo macacarry…kasi ako may inaasahan pakong buntong hininga…sa mga bagay na minsan hindi ko makuha…hehehehehehehehe…ok tong otto mo ha! Ang ganda!…napakamot lang sya sa ulo nya…’tol hindi ko mahal si alice…pero pakakasalan ko sya…dahil natatakot rin naman ako na ako ang makapagpalungkot sa kanya…mahal na mahal kasi nya ako…at gusto sya nila mama…hindi ko na nga alam ang gagawin ko…pero hindi ko pa ako nagpropropose’…kakaloka naman…hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa barkada ko…’ui champy magsalita ka nga!’…nginitian ko lang sya…hindi kasi ako partikular sa mga ganung sitwasyon pero sige try ko baka may mapulot siya sa mga chammy moves ko hahahaha…’pare kasi ganito…ang purpose ng tao para mabuhay ay hindi lang para magkaron ng magandang trabaho, basta bastang pagpapamilya at magpundar ng maraming resources…dahil kahit maangkin mo pati ang outer core at inner core ng mundo…at maging bow lahat sayo ng tao…kung ang buo mong pagkatao ay nawawala mo at walang kulay ang puso mo…walang halaga…pare sana wag kang gumawa ng mga bagay na hindi makakapagpasaya sa sarili mo at sa iba…dahil ang tao tahasang magiging kuntento kapag panatag ang kalooban nya…at pag umusbong na un sa pagkatao mo…alam kong wala ka nang hihilingin pa…dahil sa kabilang dulo…mahuhugot mo ang salitang masaya…pare wag mong hayaang malungkot si alice dahil hindi ka naman true sa gagawin mo…wag kang one sided at martir…bale wala na magkasama kayo kung lihim mo namang binubugbog ang kanyang puso…wag mong hayaan na maligo kayo sa kalungkutan ng hindi nyo nalalaman…sinasabi ko sayo…marami kang pagsisisihan’…wala naman akong sinasabi sayong talagang gagawin mo…pag isipan mo lang lahat ng sinabi ko…sana maging ok na lahat…kasi kahit tibo ako pinagaaalala mo ako’…hirap namang maging friend mo….hahahahahahaha…’o pare pano here na building ko…I need to go…sige na…sana we can park ourselves over a cup of coffee…namis narin talaga kita two years kasi tayong hindi nagkita…paano bye na muna…take care ha…mwah!

 Nakatingin na naman ako sa malayo…gusto ko na talagang magsarado ang isip ko…mas mabilis ang buntong hininga ko…ayoko ng ganito…ayokong magisip…hindi pwede…gusto kong maghanap ng dagat…gusto kong sumigaw sa walang hanggan…anu ba ang dahilan…hindi ko sasabihin…basta nanginginig lang ako…ayaw kong magsalita…kasi malulungkot ako…ang tigas kasi ng ulo ko…sabing wag nang basahin…nagpumilit pa…Unti unti akong nanghina…ewan ko…ayaw kong magsulat pero ang kulit ng mga kamay ko…lumilipad na nga ang utak ko pero gumagalaw padin ang mga daliri ko…talo nako…tumutulo na luha ko…tahimik lang…walang nakakakita…walang nakakaalam…walang nakakarinig…sa buong tanang buhay ko…pangalawang beses ko palang naramdaman to…natatakot ako…nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko…nanlalamig ako…nawawala ako…gusto kong may yumakap sakin…pero alam kong walang darating…alam kong walang makakapansin…kung anu anu ang naglalaro sa isip ko…anu ba ang gagawin ko…hindi na kasi kinakaya ng buntong hininga ko…anu ba ang pagkakamali ko…mali bang magbigay ako…eh normal ko namang ginagawa ito…napakaadik ko naman…wala ka naman ginagawa kasi… pero nasasaktan ako…dapat lang sakin to…kasi ang tigas ng ulo ko…sabi nang wag basahin…nagpumilit pa…Naguguluhan nako…ngayon naman naglalaban ang mga daliri ko at buntong hininga ko…para nalang ako naninigas dito sa kinauupuan ko…pero ang nakikita ko…isang kawalan na hindi ko matanaw ang dulo…anu ba talagang problema ko?…siguro nangangamba lang ako…na hindi ko buong makuha ang pagmamahal mo…kasi mahal kita…simpleng salitang walang kasinglalim…na ang karamihan ay hindi naiintindihan…kasi hindi ako ang nagsasalita dito…hindi ang utak ko ang naguutos para gumalaw ang mga daliri ko…kungdi ang puso ko…na matagal ng naghihintay sayo…akala ko kasi lahat kaya ko…akala ko lahat kaya kong lusutan…kasi ang alam ko malakas ako…pero kapag naririnig ko ang boses mo…bumabagsak ang sistema ko…hanggang sa unti unti kong natutuhang sumuko…dahil tinalo ako ng pagmamahal ko…dahil hinayaan ko lang na tamaan mo ito…dahil kahit sino…hindi mailalarawan kung ano ang naramdaman ko…sa unang yakap ko sayo…kapag tinititigan kita…at kapag nakikita kitang tumatawa…payapa at kuntento ako…natuto akong magbigay at magmahal…dahil dumating ka sa buhay ko…hindi ko hinihingi na wag kang umalis…gusto ko lang maging masaya ka…gawin mo lahat ng malala para maintindihan mo na lahat ng bagay mahalaga…na ang pagluha ko ay hindi nangangahulugang kalungkutan kungdi kasiyahan…dahil ang aking pangamba ay hindi dahil sa walang pagtitiwala…ito kasi ang  paraan ko ng pagpaparaya…mahal kita…

Gusto ko ng ipikit ang mga mata ko…gusto kong managinip na ikaw ang kasama ko…hindi mo man ako matanaw sa kabilang dulo ng mundo mo…basta masaya ka at kuntento…masaya narin ako 

Ang artikulong ito ay iniaalay ko sa isang kakilala ko simula pagkabata…pare kaya mo yan…kapag nalulungkot ka…maglakad ka lang…katulad ng dati nating ginagawa…hayaan mo ang mga paa mo ang magdesisyon kung saan ka pupunta…at kapag napagtanto nitong huminto…tumingin ka lang sa malayo at magbuntong hininga…sana kahit papano maibsan nito ang iyong nadarama…at sa muli nating pagkikita…sana nakangiti kana…sana napatawad mo na ang puso mo dahil nagmamahal sya ng sobra…pare!inaasahan kita ha…J