hindi na naman ako makatulog…epekto na talaga ng trabaho ko to na pabagobago na ng schedule…pero ok lang…ilang buwan narin ako nagngingilay ngilay sa mga bagay bagay na nakatago lang sa loob ko…na ni minsan hindi ko tinangkang ilabas kahit kanino…naasar kasi ako pag mag sumisimpatya at nakikinig na pinaniniwala akong totoong nakikinig sila…at nabwibwisit ako sa mga taong kung anu anu ang mga pinapayo na akala mo napakagaling nila…mas nanaisin ko pang talikuran nalang ako kesa naman nililinlang ako sa mga iba’t ibang motibo…

Nakausap ko ang matagal ko ng kaibigan na ilang taon ko naring hindi nakikita…text at tawag lang ang komunikasyon namin. pero natutuwa ako kasi cya lang ang last man standing sa lahat ng naging kaibigan ko…kaya kung may pagkakataon na manalo ako sa isang game show na ako ang home partner ng nakajackpot…pipiliin kong isama sya bukod kay pempem at sa pamilya ko para ubusin ang mga napanalunan ko!…kasi sa tinagal tagal ng panahon…sya pa lang ang taong masasabi kong may mapanganib at mapangahas na dila…para sabihin kung anu ang tunay nyang nakikita…at masaya akong hindi cya nawawala…

pero tao rin naman un tulad ko…paminsan minsan minamalas talaga…eto ang usapan namin sa telepono…

Pare1:Parekoy kamusta?

Bobkamote: ok naman kamote…nasa trabaho ako gago!

PAre1: yabang naman minsan lang tayo magkausap bakit ba!wag mong bababa!

Bobkamote:pakyu! babay!

ring ring ring ring……..(sinagot)

Bobkamote: tooooooooooot….toooooooooooooot…toooooooooooooooot…toooooooooooooooooot!

Pare1: ungas wag kang ganyan…hindi ka parin nagbago para kang retarded!may problema ako!

Bobkamote: ala anung problema?

Pare1: ung gelpren ko…pakiramdam ko hindi nya nako mahal…hindi ko alam…bigla nalang syang nagbago…

Bobkamote: Pano mo naman nasabi…baka pagod lang sa trabaho…

Pare1: Hindi ko alam malapit nakong mawalan ng pagasa…mahirap ikwento sa text o tawag eh…kelangan nating magkita…

Bobkamote: Hindi ako pwede sa lahat ng panahon…kaya tawag nalang…

Pare1: ang tanda tanda mo na chaka hindi ka naman ganyan dati…diba laging makati ang paa mo at kung saan saan mo gustong pumunta?…ander ka noh! hahahahahha!

Bobkamote: oo dati pero hindi na ngayon…pakyu hindi ako ander…anu bang nagyari sabihin mo na kaya…

Pare: chong…natural ba sa isang babae na kapag nagagalit sa isang bagay na sa tignin mo naman hindi nyo na dapat pagawayan pero pursigido kang patayin sa mura…na gusto nyang makita sa boses mo ang panginginig mo hindi dahil sa galit ako…kungdi dahil nanliliit ako…na gusto mong lumaban pero patuloy mo parin cyang pinaprotektahan sa mga matatalim na salitang pwede kong bitawan dahil ni minsan ayaw mong maramdaman nya ang mga bagay na nararamdaman mo at that point…pare ang hirap…kasi hindi nya ako maintindihan…alam kong hindi ko deserve na maganun…pero ginagawa parin nya ng paulit ulit…hanggang sa patuloy na cyang nanlamig…dati madalas kaming magkita…kahit walang tulog…ok kasi masaya naman ako..totoo yon…chaka mararamdaman mo naman diba pag mahal mo kung may problema…nung huling nagaway kami nabanggit nyang nagsasawa na sya…yung narinig ko un…pakiramdam ko mababaliw ako…kaya nung nagkabati kami…i’m trying to do something new…para masabi nyang nageeffort ako…mahirap…kasi habang ginagawa ko yon hindi ako makaget over sa mga masasakit na sinabi nya…

Bobkamote: so ibig mong sabihin nagsasawa na sya…

Pare: kasi hindi naman nya naapreciate ang mga ginagawa ko…anu lang ba ang ‘i love you’ kung nakasanayan lang itong sabihin…ang mahalaga sakin yung nararamdaman kong totoo ung sinasabi nya…kahit ikaw diba?…never akong nagsinungaling sa kanya…alam nyang hindi madali ang buhay ko…alam nya lahat…nakarating nadin cya sa bahay…pero alam kong ayaw nya sa bahay…alam mo naman na hindi pa tapos ang bahay namin…alam kong disappointed cya…at alam kong may mga pagsisisi rin cya…dahil pinili nya ako…pero pare diba masipag naman ako…at kaya kong magkaron ng magandang bahay kung gugustuhin ko…pero mahal ko kasi ang pamilya ko…kaya sila ang inuuna ko…

Bobkamote: Tama na umiiyak kana oh…magusap kasi kayo…

Pare: Mahirap cyang kausapin…kasi kahit may gusto cyang sabihin kailangan mong hulaan…ayaw nya ng makulit…un ang madalas nakakapagpabugbog sa kalooban ko…kasi hindi ako nangungulit…nagbibitaw ako ng mga tanung kailangan ng konkretong sagot at ang pagiging mainisin nya ang panangga nya para tumahimik ako…at ikulong ko nalang sa sarili ko ang mga tanung ko…kahit sa text tumamlay cya…dati marami kaming napaguusapan…lagi kaming tumatawa…ngayon ibang iba na…hindi na talaga katulad ng dati…

Bobkamote: Pakiramdam mo ba may iba na?…komprontahin mo

Pare: hindi ko alam…hindi ko cya kayang komprontahin kasi wala naman akong preba…at natatakot ako sa pwede nyang sabihin at gawin…alam mo ba kung anu ang naiisp ko…ayokong magtanung kasi…kung may iba…imbis na sa makalawa nya ako iwan…baka bukas na…

Bobkamote: alam mo ang pathetic mo…maging matapang ka sa mga ganyan…kung mapride cya…dapat mapride ka din…tignan mo nga ung ichura mo…tinotorture lang ang utak mo nyang gelpren mo…hindi ba malinaw na wala cyang malasakit sayo…hindi ko alam kong pano ko maipapaliwanag sayo…pero ngayon dapat mo ng mahalin ang sarili mo…dahil kapag nasira yang ulo mo dahil sa taong yon…kawawa ang pamilya mo…sila ang mahihirapan….

Pare: hindi ko na alam pare…siya lang naman ang gusto ko…hindi naman ako humihingi ng gamit o anung bagay…gusto ko lang maintindihan nya ako…mahal ko kasi siya…at alam kong isinuko ko lahat sa kanya simula nung dumating siya sa buhay ko…kaya kong saluhin ang lahat ng sakit para sa kanya…kahit mahirapan ako basta lagi lang syang andyan…kasi alam mo naman diba pag nagmahal ako…walang kondisyon…walang kapintasan…o kahitĀ  may kapintasan tanggap ko…

Bobkamote: Alam ko yon…at maswerte cya dahil hindi lahat ng tao kayang gawin yang ginagawa mo…wag kanang umiyak…maayos din yan…basta magtext tayo…tangna paso na namn ang globe ko…hehehehehe joke lang…chong andito lang ako ah…kahit hindi ako nagpapakita…alam mo naman na pakalat kalat lang ako jan parang tae…hehehehehe…

Pare: Kamusta si pempem

Bobkamote: Masaya kami wag ng magtanung…nasan ka ba magpahinga kana…

Pare: Dito sa bahay ng nanay ko…Sige subukan kong matulog…

Bobkamote: ok goodnight…wag ng kung anu anu ang iniisip mo ha…tulog na…

Pare: ok…bye…

Nalulungkot ako sa nangyayari sa kanya…kasi ang pinaka kailangan ng tao para maging matatag sa buhay bukod sa financial support at kung anu anu pang klaseng suporta eh yung emotional support na hindi basta basta pweng ibigay kung kanino…mahirap gumawa ng isang bagay na hindi mo na makita kung bakit ginagawa mo pa ito…at hindi mo na alam kung para saan pa ang ginagawa mo…ang lahat ng sakripisyo ng tao…ang pinaka konsolasyon eh ung kaya mong makita at makaapreciate…dahil ang saya na makukuha mo sa panahon na yon ay kaya mong baunin sa loob mo hanggang sa pagtanda mo…hindi kayang tapatan ng pera…hindi kayang tapatan ng ganda ng anyong pisikal…kailangan ng tao ng piece of mind…para sa magandang pananaw kung anu talaga nararapat sa sarili nyang buhay…hindi naman masama magmahal…nagiging masama lang ito pag hindi naiintindihan…o walang patutunguhan…

panu antok nako saramhamidabo…