hindi ko maintindihan minasan bakit ang mga tao may toyo…minsan nakakapangliit kapag napapasama ang pagiging concern mo…hindi ko masasabing ok ako…dahil sa isang daang bagay na nakapilang gagawin ko sa isang araw laging ikaw ang nasa una…mahuli ko man malaman at ikaw ang pang isang daan…wala paring magagawa ang siyam na put syam na mga iteniraryo ko…dahil kahit anung mangyari…ikaw at ikaw padin ang uunahin ko…hindi ko pinamumukha sayong wala kang alam sa mundo…hindi kasi ako katulad nga mga taong sinusuko mo na at kinaaayawan mo…gusto ko lang mapabuti ka…at sa kabilang banda maging malaya…sa mga gusto mong gawin at sabihin…sa mga gusto mong isipin para timbangin…
bakit ang mga tao basta basta nalang nagrereact…na puro lang damdamin habang natutulog ang isip…katulad lang ng mga tambay na nakakasalubong ko sa kanto…nagalit ung isa dahil minura siya…gumanti ng mura ang isa…hanggang sa nagrambulam sila…magulo diba…kasi walang gustong magpakumbaba…parehong ayaw isipin na mali sila…na pareho nilang iniisip na pareho silang nasaktan imbis na nakapanakit…ayokong tumanda sa isang mundong ganito ang mentalidad ko…kaya binabalanse ko magisip…pero minsan pumapalya ako…kasi minsan nauubos na talaga ang pasyensya ko…pero hanggang kailan ko nalang itatago sa sarili ko ang mga bagay na hindi ko naman dapat itinatago…na dapat nalalaman at naririnig mo…nangangarap akong isang araw…na hindi na mga mugto kong mata ang mangungusap sayo…kasi kapag nangyari yon…alam kong may natutunan kana sa buhay mo…
Setyembre 18, 2008 at 6:58 umaga
hmmm…..pag-untugin mo kaya mga ulo nila?wahaha
joke lang!
ganyan talaga eh, lumaki tayo sa iba ibang prinsipyo ng buhay….hehehe