Disyembre 2007


kanina rushing akong papuntang office kasi naman malalate na naman ako…nakakahiya naman kasi dahil naregular ako kahit medyo marami akong late noon…bad trip kasi ang mga daan samin…ung tipong paggising mo bigla nalang may hinuhukay….planet buwan na nga ang tawag ko sa lugar namin…pero panalo sa gravity kasi naman ang mga digging truck nagkalat para mamutas ng mamutas ng daan na karaniwang dinadaanan namen…ang epal kasi ng nakaisip na magbungkal ng magbungkal ng mga daan tuwing tag-ulan…kung sino man sya hindi sya cool!

Awa ni Lord at nakarating ako ng office ng 8:57am…ayos naman ako…magulo nga lang ang buhok ko…pang commercial ng shampoo na mahangin sa labas…para akong rockstar na mataba…pero neat padin…pero mabaho naman ang paa…umuulan kasi kung saan saan ako naglulusot…nasira kasi ang payong ko fushia…pati wax ko sa buhok wala na nakakinis diba?…ok lang maayos padin naman ako…hehehehehe

paglapag ng gamit ko sa office…binuksan ko ang computer ko para magcheck ng mail..at ako ay biglang nagulat…isang tao ang hindi ko na inaasahan na mag-eemail saken ay nag email…nakakainis lang kasi nagusap na kami… ang kulet naman ng mga X…para siyang multo na bigla nalang sasama sa hangin at mawawala…tapos bigla nalang lilitaw paglingon mo…at ibubulong sa likuran ng iyong tenga na mahal ka parin nya…ang labo hindi ba…pero sana naiintindihan nya na multo na sya at ako ay mortal pa…at hindi kailanman pa kami magkakasama…dahil pinili kong mamatay sya keysa naman pareho nga kaming mortal pero hindi naman kami masaya…nakakainins lang kasi bigla bigla nalang nagpaparamdam…ipinagdasal na kita kaya manahimik kana…ok  na kasi ako…lahat ng sakit sa puso ko…lipas na…at ayokong lahat ng naramdaman kong yon papadama ko sa iba…kasi masakit yon alam mo ba?!…at hindi ako siraulo para gawin yon sa iba…alam mo naman kung paano ako magmahal hindi ba?…at wala kang ibang pinaramdam kundi hindi kita kaya..oo kasi mabait ako…hindi ako ngatatanim ng galit,marunong akong umintindi, at ako parin ang umiintindi kahit ikaw ang dapat umintindi…naalala mo ba?…nung lumaban ako sa mga holdaper dahil ayokong hahawakan ka nila…at kahit umuwi akong nakapaa at sugat sugat ang buo kong talampakan hindi ko ininda…nakangiti ako kahit putok ang labi ko at puro pasa ang aking mukha…kasi nasa isip ko nun ligtas ka naman eh…pero after kong mabugbog…nagalit ka…iniwan mo akong mag-isa…pero wag kang mag-alala kasi hindi ako nagalit o nainis sayo nun…kasi tanggap ko lahat sayo eh…ang pagiging mainitin ng ulo mo…pagiging masungit mo…pananampal at panununtok mo kapag may tao…ang pagpapaintindi mong walang katulad ang kakitiran ng utak ko at wala akong kwentang tao…lahat kasi yon musika sa tenga ko kapag sinasabi mo…pero kasi iba na ngayon…sukdulan na ang pagsuko ko…natapos na ang yugtong ikaw ang kasama ko…may bagong chapter sa buhay ko…at sisiguraduhin kong magiging masaya kami ng kasama ko…kasi ibang iba sya sayo…at masyado syang espesyal para saakin…katulad padin ng dati kong ginagawa…iingatan ko sya…kasi yun ang nararapat sa isang taong para saakin ay mahalaga…’kasi kaluluwa mahal na mahal ko siya’…mas higit pa siguro sa sarili ko…kasi kahit hindi ako matulog basta siya ang kausap ko…ok na ako…alam mo ba…etong blog na ito…habang patuloy ang pagdagdag ng mga istorya dito…lagi mong iispin na nagagawa ko to kasi siya ang nasa tabi ko…siya ang nakayakap kapag nalulungkot ako…nagagalit sya kapag nasasaktan ako…nagaalala sya kapag may sakit ako…at isa sa mga pangarap nya ay tumawa at maging masaya ako…ayaw nyang iiyak ako dahil sa kanya…siguro naramdaman nyang ayaw kong ako rin ang dahilan ng pagluha nya…’kaluluwa matagal na kitang pinatawad’…katulad ng dati kong ginagawa kapag nananakit ka…hindi man ako masalita at laging nakangiti kahit durog na durog na…tinupad ko ang pangako ko na alam kong hindi mo na naalala…ang yakapin ka parin kahit maging isang mabangis na hayop ka…pero the end na…hinding hindi nako babalik pa…kung anu man ang mga napagtanto mo nung ako ay nawala…iparamdam mo nalang po sa iba…siguro sa ganung paraan may mga nilalang kang mapapasaya…’kaluluwa bumalik kana sa iyong pinanggalingan’…hinihintay kana ng isang kaluluwang tinatanaw ka sa malayo…naaaninag kong malinis naman ang kanyang puso…alam ko ring paglipas ng panahon mapapanatag narin ang loob mo…’kaluluwa palayain mo na ako sa iyong puso at diwa’…

maheleg ka ba sa mga korean novela?…ako kasi oo…nagumpisa ito noong college ako…wala akong ibang ginawa kundi manuod ng cd neto…kapag wala akong pasok…nahinto ang pagkamagala ko…pero umuusok naman ang tv at dvd set sa kwarto…kasi naman nood ako ng nood ng mga korean movies na binili ko…nung college ako…talagang mahal ito…kasi nagoorder pako online para makabili ng mga bala…nakakurat nga eh…kasi binurn lang cya pero 250 pesos ang halaga nya…medyo mahal pero masaya naman ako…kasi talagang naaliw ako sa istorya ng mga koreano…ang cucute kasi ng mga artista at the same time nakakakilig ang istorya…mayroon din naman talagang heavy drama…mayron ding namang mga korean movies na parang scorpion nights ang tema…mayroon din namang sexy drama…at komedi pa…hahahahaha
ilang taon nakong naaddict sa mga korean movies at telenovelas…ang pinaka favorite kong korean movie ay ung a moment to remember…kung mababaw ang luha mo..yari ka sa movie na ito…kasi talagang nakakaiyak sya…istorya siya ng isang couple na talagang nagmamahalan…kaya lang may alzymers desease ang girl…na may mga oras na nakaklimutan nya ang love sa husband nya…sobra nakakinlove at nakakaiyak…the woman with alzymers desease wrote a letter for her husband chul soo because she feels like remembering memories the first time they met…the husband is so understanding and caring despite of the his wife’s condition and shortcomings…he just continue to love and care to the point that he can’t stand it because he needs to accept that it is a must for his wife to acquire medical help…wala lang…ang sweet kahit heavy drama…wala lang i’m hoping na sana may dumating na chulsoo sa buhay ko…pero sa syiempre gusto female version ni chulsoo…yung femme ha…o ung femme ung pangalan…hahahahahahaha…alam nyo naman na ang lola nyo natatakyut sa etits…magtatakbo lang ako at magtatalukbong ng kumot sa loob ng bahay…hanggang ngayon, i’m seeking for a dvd or vcd original copy of that movie…mukhang kelangan ko atang pumuntang korea para makakuha ng orihinal na kopya…mga peeps baka may alam kayo ha…

Sampung bagay na kinaaayawan ko para sarili ko at sa paligid ko….

1. ayokong nagbubuntong hininga ako
2. ayokong nagagalit o naiinis si tol
3. ayokong naghahabulan ng kutsilyo ang nanay at tatay ko
4. ayokong nalulungkot ako
5. ayokong malate sa office
6. ayokong nalalate ako at nag aantay si tol ng matagal
7. ayokong hindi nakakausap si tol
8. ayokong maghirap kasi maarte ako
9. ayokong umiyak o malungkot si tol dahil sa akin
10. ayokong mawala si tol sa buhay ko

Sampung bagay na gusto ko…

1. gusto kong maging successful para sa pamilya ko at mahal ko
2. gusto kong matanggap ng parents ko ang preference ko
3. gusto kong matanggap din ng mom and dad ni tol ang preference nya
4. gusto kong maging masaya ako at si tol
5. gusto kong magkaron ng lesbian company….bawal ang straight employees
6. gusto kong kumalma lang si tol lagi at tumawa ng tumawa…
7. gusto kong hindi ako umasa sa mga bagay na impossible kong makuha pero magtratry padin ako
8. gusto kong laging hawak ang kamay ni tol
9. gusto kong umiyak pag nasasaktan ako
10. gusto kong si tol ang una’t huli kong makikita before at pagkatapos kong matulog