Nobyembre 2007
Buwanang Imbakan
Nobyembre 21, 2007

Badtrip ako…pero hindi ko sasabihin kung baket…nanginginig na naman ang mga laman laman ko kahit hindi ako uminom ng kape…ewan ko ba…ang hilig ko kasing magbasa kaya nabiktima nanaman ako…anu na naman ba ang iisipin ko…naiiinsecure ba ako…hindi naman siguro…pero bothered ako…pero hindi ko parin sasabihin…hindi naman makitid ang utak ko…pero naiinis ako…kasi naman nagbasabasa pa ako…ayan tuloy…tinotoyo na naman ako…ayaw ko kasing magsalita…nagpapakalunod ako sa lahat ng mga iniisip ko…baka kasi may biglang magbago…anu namang magagawa ko…natatakot kasi ako…bahala na …basta kaya ko ito…umaasa padin akong matutupad ang mga pangarap ko…kasi mabait naman akong tao…nakaklungkot lang kasi minsan talagang minamalas ako…pero ok padin kasi nakakabangon naman ako eh…nakangiti padin…katulad ng araw araw kong ginagawa…gusto kong umiyak…pero pinipigilan ko…kasi ang alam ko padin…ok lang ako…sana humupa na tong nararamdaman ko…kasi mabait at mahinahon naman ako… isip kong masama…tama na…
Nobyembre 8, 2007
Minsan may isang nilalang na nahumaling sa isang ibong na kay ganda…ginawa nya lahat para mapaamo ang ibon na nais nya…ginawa nya iyon ng buong puso…walang takot at pagdududa…naghihintay sya simula takipsilim hanggang bukang liwayway…matanaw lang ang ibong malayang namamayagpag sa kalangitan…tahimik nyang minamasdan ang makukulay at magigilas nitong pakpak habang nakikipaglaro ang buo nitong katawan sa walang hanggang alapaap…nasisiyahan sya sa makapangyarihang huni nito na umaalingawngaw sa gilid at pagitan ng mga kabundukan…at hindi nya alintana ang pagod habang sya ay pirming nakatingala…madalas ang nilalang na magsaboy ng kanyang butil ng pagmamahal…na marahan namang kinakain ng katangitanging ibon ng hindi nya alam…. Umamo ng ibon…natuto na itong magtiwala sa nilalang…pitong araw na silang magkasama…madalas magpakitang gilas ang ibon sa himpapawid…habang ang nilalang naman ay patuloy na humahanga…umiiyak ang puso nya sa saya…dahil sa wakas ang ibon at sya ay tuwirang magkasama… Ngunit isang araw…sa muling paglipad ng ibon…may isang ibon ang tila nakipaglaro sa kanya…nakita ito ng nilalang…ang iyak ng saya sa kanyang dibdib ay napalitan ng selos at kalungkutan…sa isang iglap…ang marahang nilalang ay biglang bumagsik…at unti unting nilamon ang kanyang puso ng poot at galit…hinuli nya ang ibon at ikinulong sa hawla…tahimik ang ibon…ni pagaspas ng pakpak o simpleng pag huni ay wala…nakatingala ang ibon sa kalangitan…habang pinapanood ang ibong kalaro nya sa nakaraan…ang ibon ay unti unting nanghina…hindi kumakain o maglaro man mag-isa…wala magawa ang nilalang…tumatangis sya sa harap ng hawla…bulong ng nilalang sa ibong walang sigla…’ibong maharlika…palalayain na ba kita?’
Nobyembre 7, 2007
Dalawampung bagay na namimis ko sa Antipolo
- ang magsimba sa Antipolo Church kasama ng mga ka-ofismates kong mukha lang mabait…katulad ko…
- Pumunta sa mga ukay ukay para bumili ng I Love New York outfit…
- Makikain sa mga birthday bash ng mga staff ko sa trabaho with special handa ng buko pandan, spag and chicken
- Ang tumalon sa pool after uminom ng 3 consecutive glasses ng grand matador…panis
- Beer drinking contest…ako ang grand slam champion neto…tamang hamon lang
- magskate board sa harap ng prisinto
- tumoma sa harap ng munisipyo…lakas ng loob…tibay ng dibdib at kapal ng mukha…
- magbar sa cloud nine kasama ang mga boss ko na favorite ako…hehehe
- Umatend ng mga barrio fiestas with matching Sali sa agawan ng biik…
- mag overnight sa resort with pharmacist friends
- tumawa ng tumawa with my partners in crime para hindi madawit sa mga sisi issue
- Magassign ng weekly task sa mga staff ko sa paraang pakanta…sound of music mode…hahahaha
- tumoma sa apartment ko with my pharmacist friends na walang tubig kapag 6pm to 8 pm hanggang sa magsuka na kami sharing the same palastic…coboy eh…mga license taong labas kami….
- umihi sa harapan ng kotche ni john before maglaro ng shagidi shagidi shapopo…
- maghabulan sa ulan kasama ang mga intern na taga cebu, iloilo at davao…favorite boss kasi nila ako
- makipaginuman sa mga npa…ung tipong lapag baril mode bago tumagay…
- free delicacy from cebu…iloilo…baguio at davao…jampacks lagi sa durian candy…
- pumunta sa mga overlooking with boss eric…ang boss na pinagnanasahan ang mataba kong katawan…hahahahaha
- magback ride sa tricycle
- ang manalo sa raffle ng 5000pesos sana ngayon meron pa…haha
Nobyembre 7, 2007
Masama ang gising ko…pero hindi ko alam kong bakit…nagalmusal ako pero ayaw kong kumain…nahihiya ako sa nanay ko kaya pinilit ko nalang ipasok ang mga pagkain sa sistema ko…pero hindi ko parang alam kong bakit…iba na naman nararamdaman ko…naninikip naman ang chan ko ngayon…nakakainis…panget naman…hindi ko rin alam kung anung naisip ko at gusto kong pumasok na nakatodo corporate attire…isang light orange na long sleeve polo…baston na slacks…trench coat na hanggang taas tuhod ang haba…isang rayban black shade na bagay na bagay sa aking mukha…leather shoes na galing pa italya…nagtataka ang mama ko…sobrang kakaiba daw ako…pinagbintangan pa ngang napromote ako…dahil sa kakaibang asta ko…sa isip ko…’siyempre may lalala pa ba sa isang tibo…Feeling CEO ako ngayon kaya eto ang susuutin ko…pero teka…wala nga pala akong kotche…anu bang gagawin ko…ay oo nga pala…susunduin ako ni rashid…ung barkada kong topak na galing largo…sabay pala kaming papasok…24 yrs old narin si rashid…isang Filipino Chinese na nanirahan dito sa Pilipinas noong 1990…maganda at edukado ang kanyang pamilya..at pihadong masipag kasi Chinese cya…Masaya rin cyang kasama…makulit at madaldal rin sya…may gusto akong ugali nya…ang maging totoo at sinsero sa lahat ng kanyang mga salita…ayos na ayos na…sana kasing tapang nya ako…na hindi na nagiisip kung anu man ang lumabas sa bunganga nya…hirap kasi akong gawin yon…nakaktakot kasi…ayaw ko kasing may nasasaktan dahil lang sa pagiging arogante at iresponsable ko sa mga sinasabi ko…Sabi ni rashid mag-aasawa na daw sya…tumugon naman ako ng ok ah…gudlak pare ah…buti kapa…natawa sya…’bakit ikaw pde naman diba’…ang sabi ko naman…’mahirap pare sa isang tulad ko…isang taong dinesenyong maging siraulo at kakaiba…pagdating sa mga ganyang bagay kasi…hindi ako masalita…hindi rin ako maplano…dahil walang permanteng bagay sa isang tulad ko…isa kasi siguro ako sa mga taong pwede nang mabuhay na puro alaala lang ang dala…kasi madalas ang mga katulad ko nagiisa…mejo magkaiba kasi tayo ng mundo…ang espesyal lang eh naiitindihan mo ako…salamat ha…astig ka’…natahimik si Rashid na parang ninamnam ang mga sinabi ko at muling tumugon…’ok ka naman pare ah…hindi ka naman panget…adorable ka nga cute pa at sobrang daming kaibigan…successful at alam dalin ang sarili…sa totoo lang intimidating ka…dahil marami kang kayang gawin…mas matapang ka pa nga sakin…dahil focus ka at persistent…concreto mong alam kung anu ang mga gusto mo’…natawa lang ako kasi talagang naaliw ako sa sinabi nya…’pare kahit alam mo kung anu talaga ang pangarap mo sa buhay…hindi naman lahat yun makukuha mo…kaya mangarap ka lang ng mangarap…kasi malay mo sa limang bagay na pinapangarap mo…matupad ang tatlo…hindi na masama diba?…chaka nasa sayo naman na yan eh…kung paano mo macacarry…kasi ako may inaasahan pakong buntong hininga…sa mga bagay na minsan hindi ko makuha…hehehehehehehehe…ok tong otto mo ha! Ang ganda!…napakamot lang sya sa ulo nya…’tol hindi ko mahal si alice…pero pakakasalan ko sya…dahil natatakot rin naman ako na ako ang makapagpalungkot sa kanya…mahal na mahal kasi nya ako…at gusto sya nila mama…hindi ko na nga alam ang gagawin ko…pero hindi ko pa ako nagpropropose’…kakaloka naman…hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa barkada ko…’ui champy magsalita ka nga!’…nginitian ko lang sya…hindi kasi ako partikular sa mga ganung sitwasyon pero sige try ko baka may mapulot siya sa mga chammy moves ko hahahaha…’pare kasi ganito…ang purpose ng tao para mabuhay ay hindi lang para magkaron ng magandang trabaho, basta bastang pagpapamilya at magpundar ng maraming resources…dahil kahit maangkin mo pati ang outer core at inner core ng mundo…at maging bow lahat sayo ng tao…kung ang buo mong pagkatao ay nawawala mo at walang kulay ang puso mo…walang halaga…pare sana wag kang gumawa ng mga bagay na hindi makakapagpasaya sa sarili mo at sa iba…dahil ang tao tahasang magiging kuntento kapag panatag ang kalooban nya…at pag umusbong na un sa pagkatao mo…alam kong wala ka nang hihilingin pa…dahil sa kabilang dulo…mahuhugot mo ang salitang masaya…pare wag mong hayaang malungkot si alice dahil hindi ka naman true sa gagawin mo…wag kang one sided at martir…bale wala na magkasama kayo kung lihim mo namang binubugbog ang kanyang puso…wag mong hayaan na maligo kayo sa kalungkutan ng hindi nyo nalalaman…sinasabi ko sayo…marami kang pagsisisihan’…wala naman akong sinasabi sayong talagang gagawin mo…pag isipan mo lang lahat ng sinabi ko…sana maging ok na lahat…kasi kahit tibo ako pinagaaalala mo ako’…hirap namang maging friend mo….hahahahahahaha…’o pare pano here na building ko…I need to go…sige na…sana we can park ourselves over a cup of coffee…namis narin talaga kita two years kasi tayong hindi nagkita…paano bye na muna…take care ha…mwah!
Nobyembre 5, 2007
Posted by bobkamote under
komedi Leave a Comment
Nobyembre 5, 2007
Posted by bobkamote under
komedi Leave a Comment



ikaw na ang magmukhang boss…stolen shot habang tulog ang mga boss…
Nobyembre 5, 2007
Posted by bobkamote under
Uncategorized | Mga Marka:
kagandahan eh! |
Leave a Comment

heart and jericho…may iba pa bang labteam na lalaban dyan?
kakaloka naman ang ichura namin ni ann partida walang special thanks for hair and make up yan ha!
Nobyembre 5, 2007
Posted by bobkamote under
kukurukuku | Mga Marka:
adik sayo! |
Leave a Comment
Nakatingin na naman ako sa malayo…gusto ko na talagang magsarado ang isip ko…mas mabilis ang buntong hininga ko…ayoko ng ganito…ayokong magisip…hindi pwede…gusto kong maghanap ng dagat…gusto kong sumigaw sa walang hanggan…anu ba ang dahilan…hindi ko sasabihin…basta nanginginig lang ako…ayaw kong magsalita…kasi malulungkot ako…ang tigas kasi ng ulo ko…sabing wag nang basahin…nagpumilit pa…Unti unti akong nanghina…ewan ko…ayaw kong magsulat pero ang kulit ng mga kamay ko…lumilipad na nga ang utak ko pero gumagalaw padin ang mga daliri ko…talo nako…tumutulo na luha ko…tahimik lang…walang nakakakita…walang nakakaalam…walang nakakarinig…sa buong tanang buhay ko…pangalawang beses ko palang naramdaman to…natatakot ako…nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko…nanlalamig ako…nawawala ako…gusto kong may yumakap sakin…pero alam kong walang darating…alam kong walang makakapansin…kung anu anu ang naglalaro sa isip ko…anu ba ang gagawin ko…hindi na kasi kinakaya ng buntong hininga ko…anu ba ang pagkakamali ko…mali bang magbigay ako…eh normal ko namang ginagawa ito…napakaadik ko naman…wala ka naman ginagawa kasi… pero nasasaktan ako…dapat lang sakin to…kasi ang tigas ng ulo ko…sabi nang wag basahin…nagpumilit pa…Naguguluhan nako…ngayon naman naglalaban ang mga daliri ko at buntong hininga ko…para nalang ako naninigas dito sa kinauupuan ko…pero ang nakikita ko…isang kawalan na hindi ko matanaw ang dulo…anu ba talagang problema ko?…siguro nangangamba lang ako…na hindi ko buong makuha ang pagmamahal mo…kasi mahal kita…simpleng salitang walang kasinglalim…na ang karamihan ay hindi naiintindihan…kasi hindi ako ang nagsasalita dito…hindi ang utak ko ang naguutos para gumalaw ang mga daliri ko…kungdi ang puso ko…na matagal ng naghihintay sayo…akala ko kasi lahat kaya ko…akala ko lahat kaya kong lusutan…kasi ang alam ko malakas ako…pero kapag naririnig ko ang boses mo…bumabagsak ang sistema ko…hanggang sa unti unti kong natutuhang sumuko…dahil tinalo ako ng pagmamahal ko…dahil hinayaan ko lang na tamaan mo ito…dahil kahit sino…hindi mailalarawan kung ano ang naramdaman ko…sa unang yakap ko sayo…kapag tinititigan kita…at kapag nakikita kitang tumatawa…payapa at kuntento ako…natuto akong magbigay at magmahal…dahil dumating ka sa buhay ko…hindi ko hinihingi na wag kang umalis…gusto ko lang maging masaya ka…gawin mo lahat ng malala para maintindihan mo na lahat ng bagay mahalaga…na ang pagluha ko ay hindi nangangahulugang kalungkutan kungdi kasiyahan…dahil ang aking pangamba ay hindi dahil sa walang pagtitiwala…ito kasi ang paraan ko ng pagpaparaya…mahal kita…
Gusto ko ng ipikit ang mga mata ko…gusto kong managinip na ikaw ang kasama ko…hindi mo man ako matanaw sa kabilang dulo ng mundo mo…basta masaya ka at kuntento…masaya narin ako
Ang artikulong ito ay iniaalay ko sa isang kakilala ko simula pagkabata…pare kaya mo yan…kapag nalulungkot ka…maglakad ka lang…katulad ng dati nating ginagawa…hayaan mo ang mga paa mo ang magdesisyon kung saan ka pupunta…at kapag napagtanto nitong huminto…tumingin ka lang sa malayo at magbuntong hininga…sana kahit papano maibsan nito ang iyong nadarama…at sa muli nating pagkikita…sana nakangiti kana…sana napatawad mo na ang puso mo dahil nagmamahal sya ng sobra…pare!inaasahan kita ha…J