Mataba ako oo…kasi malusog ang pangangatawan ko… bolga ang bilbil ko…namimintog ang mukha ko…lubog ang ilong ko…pero hindi ako insecure tulad ng ibang matataba dyan…masayahin ako…palatawa ako…maingay ako…mapangasar ako…palakaibigan ako…matalino ako…magaling akong magsalita…maayos akong manamit…dugyot ako…mabait ako…magaling akong magbasketball…mabilis akong tumakbo…maangas ako…matanung ako…madaldal ako…iyakin ako…maganda ako…matapang ako…matatag ako…malambot ang puso ko…yan ako…Naaalala mo pa   ba?…Mataba ako…

Lagi nalang malaking usapin sa telebisyon  o kahit saan mang lupalop ng mundo ang salitang ‘katabaan’, pero para sakin wala lang ang lahat ng mga ito…nakikinig naman ako eh…kaya lang minsan hindi ko maintintidan kung anu talaga ang lohika kung bakit karamihan ng tao takot tumaba…

Naglalakad ako sa kahabaan ng ayala avenue kasi uwian ko na galing sa malupet kong trabaho…karaniwang kong dinaraanan ang dugtung dugtong na mall sa makati simula sa landmark, papuntang glorieta, sa SM hanggang sa makarating nako sa MRT. Ito ang madalas kong ginagawa bago umuwi ang irampa ang malaki kong katawan, bolga kong patong patong na bilbil, mabibigat kong yabag, namimintog kong mukha at ang lubog kong ilong…

Biyernes non ayaw ko pang umuwi kaya ok lang lang sakin na parang naglalakad sa buwan…pati paglingon ko sa mga bagay slow mo…ok rin pala un noh…nakakarelax nageenjoy ka pa sa mga nakikita mo…madami kasing magaganda at gwapo…matatangkad at magaganda ang katawan…naisip kong magpower tripping mag-walkathon…sa glorieta..

Inumpisahan kong pasukin ang  mga sports botik sale kasi noon eh at siyempre mahilig ako sa rubber shoes…kung baga sa mga movie addicts na pumapasok sa mga sinehan para subaybayan ang mga pabotiro nilang pelikula…para sa akin , ang mga sports botik ang aking teatro para subaybayan ang mga latest models ng nike, adidas, new balance, reebok, fila, And1 at iba’t   ibang klase ng magagandang bag…masaya ako pag ginagawa ko un…

My  lumapit saking sales lady …sexy at nakamake up…maganda sya…palangiti…sunod sya ng sunod…ako naman dedma lang tuloy tuloy lang sa pagtingin…may nagustuhan ako kaya nagtry akong magsukat…eh my nagside comment…’nako mam ang taba ng paa nyo’ paglingon ko ung sales lady nakangiti maluwag ang bunganga…parang naiiyak na nga sya kasi halatang gusto nga nang tumawa…kalmado padin ako…un nga lang nasa likod ng isip ko’hindi na nga lang kita sasampalin kasi baka magkalat pako dito, baka kasi magbitak bitak ang make up mo kapag nayanig ko ang mukha mo’…at siempre tumawa din ako pero sa isip ko lang…

Lumabas nako ng sports botik bit bit  ang bago kong isnikers…excited ako kasi mag jojogging ako sa sementeryo…dadalawin ko kasi ang dalawa kong tita na single pa nung namatay…lakad padin ako ng lakad…slow mo padin…pero ok lang…masaya padin eh…nakakarelax…

Pumasok naman ako sa tindahan ng relo…nakakaenganyo ring bumili…kaya lang preno muna wala na sa budget kaya tingin tingin lang…maliit lang ung bilihan ng relo…isang sales man at sales lady lang ang nadatnan ko…ung sales man my buyer Bombay…nakakatuwa silang tignan…ung bumbay tanung ng tanung…ung salesman bihira lang sumagot…hindi na ata kaya ng powers nya kaya bago pa man din duguin ang lahat ng butas sa katawan nya…ayon pinasa na kay sales lady si Bombay…maayos naman silang mag-usap…kaya si salesman nalang ang nagasist sakin…’sir!pumili na kayo sale po kami!marami pong magaganda at mura!matibay pa!…tinitigan ko lang sya…’a maaaaaam, sory po pili napo kayo’…tinignan ko ang katawan ko…sabagay my point naman sya kung bakit nya akong tinawag sa sir …magkalevel na kasi ang chan at dede ko…kasi nga mataba ako…kaya ang saleman…abswelto…pero ok lang bumili padin ako ng relo kahit alam kong dalawang lingo nakong hindi makakakain ng mga gusto ko…ayos lang un at least may relo ako…mamahalin…nakakapayat ng bulsa…

Dahil sa pagod ko…sabi ng katabaan ko magpahinga muna ako…hinihingal na kasi ako eh…mataba kasi ako naalala mo…bigla nalang ako natawa kasi wala pa sa 1/8 ng glorieta ang nawalkathon ko hahahahah…ang taba ko talaga…tumayo uli ako…naglakad…lumingon ako…gusto kong kumain sa chef d angelo…pero nagdadalawang isip padin ako…kasi medyo malayo…20 steps pa ang lalakbayin ko…hindi bale makakapagpahinga naman ako dun…kaya tumuloy nadin ako…

Pumila ako hanggang sa makarating ako sa counter…’goodevenin sir anu pong order ninyo?’…kalmado padin ako…sampler 1 with spaghetti  white sauce, ice tea and 1 german burger dine in’…talagang malala na siguro ang kalagayan ng ichura ko dapat pala nagpush-up bra ako para medyo halatang my boobs ako…wala lang drama lang…umupo ako…inaantay ko ung kakainin ko…ang tagal…nakainis naman…gutom nako…mataba kasi ako…naalala mo…

Wala akong magawa kaya nagintay nalang ako…pacute pa nga ko nun..feeling maganda…bakit wala namang masama…at least my guts ako mag inarte ng ganun…kahit ako si ’sir’…kahit magkapantay ang dede at chan ko…maganda ako…

ugali ko kasi ang madalas na paglingon kung saan saan kaya nakaagaw pansin sakin ang isang table na may nagdadate na dalawang mataba…isang lalaki at isang babae…hindi naman ako naasiwa ang cute nga nila eh…lalo na siguro kapag sumakay sila ng pedikab na my driver na nangangailangan ng nutriban…o kaya kalesa na ang kabayo hindi panakain ng dalawang buwan kasi pinarusahan…hay..muka naman silang masaya mukang sexy at perpekto ang hubog ang tingin nila sa isa’t isa…nakakatuwa…nakakalimutan nilang mataba sila…

nakakain nako…kelangan ko ng lumarga…uwi nako…inaantay nako ni mama…naisip ko ako lang pala ang mataba sa pamilya…pero ok lang…masaya padin ako…

pagdating ko sa bahay…’tabatina kain na!’…’hindi ma, kumain nako’…nagbibihis ako nun…sa kwarto ko kasi sila madalas manuod ng tv…walanghiya kasi ako…kaya wala akong pakialam kung tanggalin ko lahat ng damit ko sa harapan nila…nakita ako ni mama…walang saplot…nakita nya ang bolga kong patong patong na bilbil, ang mga hita kong malaki pa sa tatlong pinagdikitdikit na palo palo…ang braso kong pwedeng pang armas sa riot…nilapitan ako ni mama…’nak magpapayat kana soooooooooooooooooobrang laki muna’…hahahahahahah…tawa nalang ako…hindi naman kasi bago sakin un…araw araw kasi kapag nagbibihis ako yun ang punch line nya…hai…ganyan talaga…mataba ako eh…naalala mo…

gusto ko ng matulog…antok nako eh miss ko ng humilik…inaabangan nako ng mga kapatid ko kasi irerecord nila ang hilik ko…maganda raw ring tone…nakakamangha…kagilagilalas…malupet talaga ako…kasi mataba ako…naalala mo

Mataba ako oo…kasi malusog ang pangangatawan ko… bolga ang bilbil ko…namimintog ang mukha ko…lubog ang ilong ko…pero hindi ako insecure tulad ng ibang matataba dyan…masayahin ako…palatawa ako…maingay ako…mapangasar ako…palakaibigan ako…matalino ako…magaling akong magsalita…maayos akong manamit…dugyot ako…mabait ako…magaling akong magbasketball…mabilis akong tumakbo…maangas ako…matanung ako…madaldal ako…iyakin ako…maganda ako…matapang ako…matatag ako…malambot ang puso ko…yan ako…Naaalala mo pa   ba?…Mataba ako…