Oktubre 2007


tear here

Ang matabang ito ay ipinanganak sa liblib na pook ng maynila…ngayon lang yan naging lumba lumba dahil noong bata malnourish sya…nag-aral siya sa cecilio apostol elementary school noong elementarya…notre dame of greater manila noong hayskul…at Mapua Institute of Technology sa kolehiyo…Grumadweyt sa edad na bente uno…nakatatlong trabaho na simula noong 2005…matalik na kaibigan nina Geniviv,Karen,Mam Jo, Ate agiw, Jeniza,c Basura at ni Clarisse noong babae pa siya…Hanggang sa mapadpad siya sa kaharian ng mga katibuan ng Down to Earth Club kung saan nakilala ko sila chewirewap,beatot,bamtot,femmenine wash,jeno gibbs,jane na utusan si tarzan, si drea at marami pang iba diyan…

Hilig niya ang mga Sumusunod:

tumambay sa basketbulan at mga bilyaran

manuod ng mga Korean movies na walang subtitle…

Magbasa ng mga libro ni bob ong

Maglakad simula lepanto patuntang MRT

Kumain ng lugaw at tokwa’t baboy

Maglagalag sa tondo

Uminom ng kape kasama ng mga taxi driver

Magbackride sa tricycle

Magsulat na gamit ang noo

Kumain ng bubog

Gawing inhaler ang tambucho

Jumaming sa mga tomador

Kumain ng syomai

Tumawad sa tindera

Gumamit ng salitang ‘po’ at ‘opo’

magfriendster

magluto

Magtrabaho

Magtext (member ako ng Down to earth Club)

Matulog

Magkomento

At siyempre….Magkwento…

 

Enjoy and Come Back!!!!!!!!!!!!!!!

 

etong dalawa first time din

First time

by:bobkamote

 Nagmamadali nako…baka ma-late ako…bago lang kasi ako sa trabaho…special kasi first work ko to…excited ako…kelangan ko nang tumakbo…sana hindi trapik baka kasi baka uminit ang ulo ko…maganda pa naman ako…nagmamadali nako…baka ma-late ako…sasakay nako ng fx…sana maganda ang katabi ko… Iba talaga ang feeling kapag bagong graduate…nakakanginig sa excited…parang toddler…hyper active…maraming gustong marating…maraming gustong gawin …maraming gustong patunayan…conscious sa sariling   buhay…maraming gustong malaman…Bawat labas ko ng bahay…lagi akong my adventure…hindi kasi akong ordinaryong tao…gusto ko kasi lagi akong my kwento…pero hindi ako mahilig magsulat…may pagkatamad kasi ako…2005 ang taon ng una akong magkatrabaho…exciting…production engineer kasi ang posisyon ko sa trabaho…feeling malufet ako kasi hahawak ako ng tao…magpapameeting ako…makikinig at susundin nila ang mga sasabihin ko…tunog boss diba?…iba talaga akong magpantasya…Feeling ko para akong matatae pagpasok ko sa gate ng kompanya…dress to kill pa man din ako nun…naka islaks ako na light brown…nakapolo na green…may makinis at bagong leather shoes…at mamahaling bag na sa sobrang excited ng nanay ko binili nya para sakin…diredirecho ako sa lobby…May nakita akong babae na nakaupo sa may bungad ng lobby…may kaputian…chubby sya…kulot kulot ang buhok…siya pala ang receptionist ng kumpanya..accommodating naman siya..nginitian nga nya ako…kaya lang pakiramdam ko parin parang natatae ako…excited eh..may reklamo…maya maya may lumabas na balinkinitang babae sa  H.R..Ann daw ang pangalan nya at siya ang magoorient sakin ng company policy…Pinapunta nya ako sa isa sa limang cubicle na nakita ko…maganda at mabango ang lugar…Inabutan nya ako ng tatlong mabibigat na libro…ambigat…kapag dinala ko yun sa sa labas rampa ang malupit kong get up…mapagkakamalan akong nagtitinda ng encyclopedia..terrible talaga…nakakaurat…tamad pa naman akong magbasa…gusto kong pilasin ang lahat ng pahina at gawing eroplano…wala lang high school drama…buti nalang naalala kong excited pala ako…sige ok na nga…Tatlong oras nakong nagbabasa ng may pumasok sa cubicle…nag ‘hi’ cya…nag ‘hi’ din ako…siya daw si binibining kagandahan ng planetang ‘h’ ang plant manager…kamusta naman daw ako…sabi ko’i’m fine’ with smile..siyempre paimpress requirement ang magpormal pormalan…binigyan nya ako ng apat na bagay…lab gown, head cap,booties at jumpsuit…at sumunod daw ako sa kanya…halos maiyak ako nung inabot nya sakin ang mga bagay na iyon…may trabaho na talaga ako…pwede ko ng mabili ang gusto…hindi na ako ung tipikal na nasa bahay lang nagpapalaki lang ng chan…hindi na ako ung gigising lang para kumain,maligo,magtelepono,matulog,gumising uli,magabang ng mga teleserye sa tv,kumain at matulog uli…may ipagmamalaki nako…Malayo pala ang lalakarin ko…sa planta pala ako pinapapunta ni bb. Kagandahan…Kakaiba ang set up ng planta…c.r ang una mong dadaanan bago ka makarating sa locker room…in fairness sobrang puti ng c.r…malinis…may nakita akong pintuan…pumasok ako…shoe rack area pala  un…hinubad ko ang sapatos ko at hinanap ang shoe rack number ko…nahilo nga ako..kasi namental block ako…hindi ko Makita ung number ko…nagmamadali pa naman ako kasi alam ko inaantay nako ng plant manager…nilapag ko munag panandalian lahat ng gamit ko…pagyuko ko…S*it katabi ko lang pala kanina pa ung number na hinahanap ko…nagmadali nakong pumuntang locker room…ok rin…kinuha ko na ung pang plant attire ko…para akong hinahabol ng isang tribong kumakain ng taong mukang kamote sa pagkilos…pagkatapos kong magbihis napatingin ako sa salamin…mukha akong suman na pupuntang kalawakan…ang puti ng suot ko…Dali dali nakong pumasok sa planta…May security gard na nangangapkap sakin…security measures pala un para walang maglalabas pasok ng mga gamot…una akong pinakilala ng plant manager sa departamentong hahawakan ko…may babaeng lumapit samin ni bb. Kagandahan..’siya ba si jutay?’, ani ng babae…nakakatawa…para akong p*ta na binebenta sa kalsada…fresh…virgin…maganda…hahahaha…isa pala sya sa mga immediate superior ko…cute siya…mukhang mabait…Paikot ikot kami sa department…pinakilala ako sa bawat kwarto…naloloka nako…madami pala akong hahawakang tao…puro lalaki…pero ok lang…challenge to…basta kakayanin ko…Masakit narin ang mga paa ko…pero marami pakong dapat malaman…kaya dedma nalang…Lunch break na…wala pakong ganong friends…kasi nga bago palang ako…ayos lang at least may trabaho nako…darating din ako sa point na lahat makakachikahan ko…pagtingin ko sa counter ng kantin..mejo naasiwa ako…kantin na walang pagkain…mangilan ngilan lang…walang kwenta…pero wala naman akong magagawa..tiis nalang…Bumili ako ng isang kanin at tinola…yong tinola mukang nilaga…kain lang…walang magawa eh…pikitmata para sa tinola…Bumalik nako ng planta…nagumpisa na uli ang pag-aaral…information overload nako…nakamute na sila sabi ng tenga ko…ayoko na makinig..break muna tayo…un ang nasa isip ko..pero hindi first job ko to kailangan mukhang active ako…pabibo…kasi ang alam ko malufet ako…Malapit na pala ang uwian…medyo masakit ang ulo ko…nagbuntong hininga…mahirap pala ang trabaho ko…ayos lang…dito ako dinala ng kurso ko…kaya chachagain ko…kelangan kong mabuhay dahil may pangarap ako…isang araw palang…bakit ako susuko?…patikim palang to…at least may idea nako…bukas papasok ang bagong ako…mag plaplant attire…papasok sa mga kwarto…magcleclear…magiinspect…daliang gagawa ng pangmatagalang solusyon sa mga problema…ako ang susi kung paano ang mga taong to magiging magaling…kaya dapat hindi ako nagwawalang bahala…gagawin ko lahat ng yon…may tatag…may paninidigan…may kalidad…may puso…

Pano uwian na…bukas na uli…sana maging masaya padin ako…at gudlak sa mga katulad ko

 

Dahil nabuo ang pagmamahal sa Chef

Para kay ‘A’

Pare kamusta na…matagal natayong hindi nagkita…naalala mo ba nung una…kagagaling ko lang sa sakit nun kaya lahat ng nakikita ko fresh…sige isasama na kita dun…bagong mukha eh…akala ko nga bakla ka…kasi ang hinhin mo…ang lamya mo pang tignan…pero pare ok ka…kaya nga matatamis ang ngiti ni ms. minchin sayo nun…siguro pogi ka para sa iba…kasi mas pogi ako sayo…mas matigas pa…nyahahaha

Naging mgakatabi tayo sa trabaho ako sa kaliwa ikaw sa kanan…makulit tayo…lalo na sa ung trabaho natin…makulit…paulit ulit…pero ok lang masaya naman eh…hehe… Malakas ang loob kong kausapin ka kasi mag kaiskul tayo…alam ko kasing pareho tayo ng likaw ng bituka…malamya ka lang tignan pero matulis ka…diba?… J

Una tayong nagkasundo sa malulupit nating power tripping sa mga pangkaraniwang bagay…sa lapis sa drawing at kung anu anu pang pinaguusapan natin lalo na sa mga chicks mong my pilay, my bulag, my pipi…lahat na ata ng may kapansanan nakolekta mo…nagiging gf mo…

Nauso ang porkchop kila ate alaskadora…tayo lagi ang number 1 client nya…ang saya laging may reservation…siyempre espesyal tayo anu pa ba…lagi pa nga tayong late…un ang contest natin…ang pumasok ng maaga baduy…pero madalas ikaw ang panalo eh…lagi akong olats sa category na un…Naalala mo pa ba nung nagkasipon ka?..kinikilig ako kapag sumisinga ka…ang sweet sweet mo pa nga nun kasi sabi mo isipin ko nalang lahat ng putahi na gusto ko kapag humahatching ka…feeling ko pa nga nun ang haba ng hair ko kasi iniaalay mo sakin lahat ng tishung pinagsingahan mo…nakakatuwa…ang lambing lambing mo talaga…

Ang cute cute mo pa nga kapag tumatawag ka…ang halay ng boses mo…pare puro hininga…yan tuloy halos lahat ng kausap mo laging sinasabi…’today is our meeting day’…pero ok lang…nageenjoy ka naman diba…

Natandaan mo ba nung umulan ng malakas…apat tayong magkasama,c Arlene, c angela,ikaw at ako…nakakainis kaya nun kasi maaga naman tayong umuwi nalate lang kasi wala tayong payong…ang pogi ng get up mo nun…nakaleather shoes ka na kamukha ng sapatos ng tatay ko sa picture noong siyam na taong gulang pa lamang sya…grooving slaks…at siyempre presentableng polo na bakat na bakat ang pintog ng chan mo…naisip ko tuloy na bagay tayo…Kapag nagyoyosi ka…parang naaamoy ko ang hininga mo…ambango-bango…parang dama de notche…dagdag pogi points un diba…

One time lunch break natin, tamang trip ng mga ofismates natin…jolibee ang tanghalian natin…favorite mo pala ang chickenjoy…kumabog ang dibdib ko…hindi dahil sa gusto kita…kasi pang isang order nalang ang natitira…eh dalawa tayo…pano na?…pero wala naman palang problema kasi marami pa pala sa loob…Feeling ko nga nun gusto kong magpanic buying ng chicken joy… ayos masaya parin… Pinagmamasdan kitang kumain…katulad padin ng dati malamya padin…dahan dahan…maingat…Iba ka talaga tol…siguradong kapag may hindi nakakakilala sayo unpredictable ka…para ka kasi talagang bakla…pero pinapaalala ko…matulis ka nga pala…katulad ng taong nasa kwento mo kapag may night out ka…panalo diba…kaya yamado ung iba…

Kaya lang wala eh…panggabi kana…namimis na nga kita eh…pogi ka kasi…mabango pa…wala pakong kaututang dila…kaw kasi pogi ka kaya   panggabi ka…my policy ata si ms. minchin na kapag bakla at tomboy pang-umaga…hahahahahaha

Lagi nga kitang sinusulatan nun…kasi miss na kita…wala ka namang ibang sinagot kundi mga drawing mong ikaw lang ang nakakaintindi…pero ok narin..my kilig factor ng onti…mga forty percent…Sayang ok pa naman ang chemistry natin…kaya lang panggabi kana…chaka nakakatampo kadin…kasi lagi mo lang ako naaalala kapag sweldo na… buti sana kung inaambunan mo kami ng balato kasi lagi kaming nakikipagtalo sa teller dahil ipinipilit naming ung ID picture mo na parang drinowing lang ng bata.. pero ok narin siguro at least nakaalala ka…

Sana bonding tayo…ung malupet…iinom tayo ng tig isang tumbler ng gran matador  tapos tatalon sa pool…kakaiba ba…ganung kasi akong magpantasya…hahahaha…

O pano hanggang dito na muna 4:40 na eh …kelangan ko ng magpaganda…kasi malapit na uwian…at siyempre wala padin kaming ginagawa…pare mis na kita…paramdam ka ha…saramhami dabo!!!!!!!!!!!

                 

Mataba ako oo…kasi malusog ang pangangatawan ko… bolga ang bilbil ko…namimintog ang mukha ko…lubog ang ilong ko…pero hindi ako insecure tulad ng ibang matataba dyan…masayahin ako…palatawa ako…maingay ako…mapangasar ako…palakaibigan ako…matalino ako…magaling akong magsalita…maayos akong manamit…dugyot ako…mabait ako…magaling akong magbasketball…mabilis akong tumakbo…maangas ako…matanung ako…madaldal ako…iyakin ako…maganda ako…matapang ako…matatag ako…malambot ang puso ko…yan ako…Naaalala mo pa   ba?…Mataba ako…

Lagi nalang malaking usapin sa telebisyon  o kahit saan mang lupalop ng mundo ang salitang ‘katabaan’, pero para sakin wala lang ang lahat ng mga ito…nakikinig naman ako eh…kaya lang minsan hindi ko maintintidan kung anu talaga ang lohika kung bakit karamihan ng tao takot tumaba…

Naglalakad ako sa kahabaan ng ayala avenue kasi uwian ko na galing sa malupet kong trabaho…karaniwang kong dinaraanan ang dugtung dugtong na mall sa makati simula sa landmark, papuntang glorieta, sa SM hanggang sa makarating nako sa MRT. Ito ang madalas kong ginagawa bago umuwi ang irampa ang malaki kong katawan, bolga kong patong patong na bilbil, mabibigat kong yabag, namimintog kong mukha at ang lubog kong ilong…

Biyernes non ayaw ko pang umuwi kaya ok lang lang sakin na parang naglalakad sa buwan…pati paglingon ko sa mga bagay slow mo…ok rin pala un noh…nakakarelax nageenjoy ka pa sa mga nakikita mo…madami kasing magaganda at gwapo…matatangkad at magaganda ang katawan…naisip kong magpower tripping mag-walkathon…sa glorieta..

Inumpisahan kong pasukin ang  mga sports botik sale kasi noon eh at siyempre mahilig ako sa rubber shoes…kung baga sa mga movie addicts na pumapasok sa mga sinehan para subaybayan ang mga pabotiro nilang pelikula…para sa akin , ang mga sports botik ang aking teatro para subaybayan ang mga latest models ng nike, adidas, new balance, reebok, fila, And1 at iba’t   ibang klase ng magagandang bag…masaya ako pag ginagawa ko un…

My  lumapit saking sales lady …sexy at nakamake up…maganda sya…palangiti…sunod sya ng sunod…ako naman dedma lang tuloy tuloy lang sa pagtingin…may nagustuhan ako kaya nagtry akong magsukat…eh my nagside comment…’nako mam ang taba ng paa nyo’ paglingon ko ung sales lady nakangiti maluwag ang bunganga…parang naiiyak na nga sya kasi halatang gusto nga nang tumawa…kalmado padin ako…un nga lang nasa likod ng isip ko’hindi na nga lang kita sasampalin kasi baka magkalat pako dito, baka kasi magbitak bitak ang make up mo kapag nayanig ko ang mukha mo’…at siempre tumawa din ako pero sa isip ko lang…

Lumabas nako ng sports botik bit bit  ang bago kong isnikers…excited ako kasi mag jojogging ako sa sementeryo…dadalawin ko kasi ang dalawa kong tita na single pa nung namatay…lakad padin ako ng lakad…slow mo padin…pero ok lang…masaya padin eh…nakakarelax…

Pumasok naman ako sa tindahan ng relo…nakakaenganyo ring bumili…kaya lang preno muna wala na sa budget kaya tingin tingin lang…maliit lang ung bilihan ng relo…isang sales man at sales lady lang ang nadatnan ko…ung sales man my buyer Bombay…nakakatuwa silang tignan…ung bumbay tanung ng tanung…ung salesman bihira lang sumagot…hindi na ata kaya ng powers nya kaya bago pa man din duguin ang lahat ng butas sa katawan nya…ayon pinasa na kay sales lady si Bombay…maayos naman silang mag-usap…kaya si salesman nalang ang nagasist sakin…’sir!pumili na kayo sale po kami!marami pong magaganda at mura!matibay pa!…tinitigan ko lang sya…’a maaaaaam, sory po pili napo kayo’…tinignan ko ang katawan ko…sabagay my point naman sya kung bakit nya akong tinawag sa sir …magkalevel na kasi ang chan at dede ko…kasi nga mataba ako…kaya ang saleman…abswelto…pero ok lang bumili padin ako ng relo kahit alam kong dalawang lingo nakong hindi makakakain ng mga gusto ko…ayos lang un at least may relo ako…mamahalin…nakakapayat ng bulsa…

Dahil sa pagod ko…sabi ng katabaan ko magpahinga muna ako…hinihingal na kasi ako eh…mataba kasi ako naalala mo…bigla nalang ako natawa kasi wala pa sa 1/8 ng glorieta ang nawalkathon ko hahahahah…ang taba ko talaga…tumayo uli ako…naglakad…lumingon ako…gusto kong kumain sa chef d angelo…pero nagdadalawang isip padin ako…kasi medyo malayo…20 steps pa ang lalakbayin ko…hindi bale makakapagpahinga naman ako dun…kaya tumuloy nadin ako…

Pumila ako hanggang sa makarating ako sa counter…’goodevenin sir anu pong order ninyo?’…kalmado padin ako…sampler 1 with spaghetti  white sauce, ice tea and 1 german burger dine in’…talagang malala na siguro ang kalagayan ng ichura ko dapat pala nagpush-up bra ako para medyo halatang my boobs ako…wala lang drama lang…umupo ako…inaantay ko ung kakainin ko…ang tagal…nakainis naman…gutom nako…mataba kasi ako…naalala mo…

Wala akong magawa kaya nagintay nalang ako…pacute pa nga ko nun..feeling maganda…bakit wala namang masama…at least my guts ako mag inarte ng ganun…kahit ako si ’sir’…kahit magkapantay ang dede at chan ko…maganda ako…

ugali ko kasi ang madalas na paglingon kung saan saan kaya nakaagaw pansin sakin ang isang table na may nagdadate na dalawang mataba…isang lalaki at isang babae…hindi naman ako naasiwa ang cute nga nila eh…lalo na siguro kapag sumakay sila ng pedikab na my driver na nangangailangan ng nutriban…o kaya kalesa na ang kabayo hindi panakain ng dalawang buwan kasi pinarusahan…hay..muka naman silang masaya mukang sexy at perpekto ang hubog ang tingin nila sa isa’t isa…nakakatuwa…nakakalimutan nilang mataba sila…

nakakain nako…kelangan ko ng lumarga…uwi nako…inaantay nako ni mama…naisip ko ako lang pala ang mataba sa pamilya…pero ok lang…masaya padin ako…

pagdating ko sa bahay…’tabatina kain na!’…’hindi ma, kumain nako’…nagbibihis ako nun…sa kwarto ko kasi sila madalas manuod ng tv…walanghiya kasi ako…kaya wala akong pakialam kung tanggalin ko lahat ng damit ko sa harapan nila…nakita ako ni mama…walang saplot…nakita nya ang bolga kong patong patong na bilbil, ang mga hita kong malaki pa sa tatlong pinagdikitdikit na palo palo…ang braso kong pwedeng pang armas sa riot…nilapitan ako ni mama…’nak magpapayat kana soooooooooooooooooobrang laki muna’…hahahahahahah…tawa nalang ako…hindi naman kasi bago sakin un…araw araw kasi kapag nagbibihis ako yun ang punch line nya…hai…ganyan talaga…mataba ako eh…naalala mo…

gusto ko ng matulog…antok nako eh miss ko ng humilik…inaabangan nako ng mga kapatid ko kasi irerecord nila ang hilik ko…maganda raw ring tone…nakakamangha…kagilagilalas…malupet talaga ako…kasi mataba ako…naalala mo

Mataba ako oo…kasi malusog ang pangangatawan ko… bolga ang bilbil ko…namimintog ang mukha ko…lubog ang ilong ko…pero hindi ako insecure tulad ng ibang matataba dyan…masayahin ako…palatawa ako…maingay ako…mapangasar ako…palakaibigan ako…matalino ako…magaling akong magsalita…maayos akong manamit…dugyot ako…mabait ako…magaling akong magbasketball…mabilis akong tumakbo…maangas ako…matanung ako…madaldal ako…iyakin ako…maganda ako…matapang ako…matatag ako…malambot ang puso ko…yan ako…Naaalala mo pa   ba?…Mataba ako…