matagal tagal din akong hindi nakadalaw dito sa blog na ito…busy lang ako…marami kasing nangyari…marami rin kasi akong ginagawa..nararamdaman ko na naman na kulang ako sa bakasyon…at unti unti na namang sumosuko ang katawan ko…pero ok lang…dahil ganu man karami ang ginagawa ko…gulo gulo man ang buhok ko at hagard na ang ichura ko…masaya padin ako…bakit?…kasi magkasama padin tayo…
hindi ko inasahan na magiging ganito…pero hindi naman ako tumututol…kasi masaya ako…at talagang maaliwalas ang mukha ko…lalo na kapag kasama kita…lahat ng pagod ko nawawala…lahat ng hinanakit ko sa ibang parte ng buhay ko…nakakalimutan ko na…kasi andyan ka…tatlong buwan palang tayo magkasama…pero iba ang pakiramdam ko…kapag tinititigan kita…at hawak hawak ko ang kamay mo…pakiramdam ko tatlong taon na kitang kilala…kasama…nayayakap at nakakausap…bakit ko nasabi to…kasi kapag sumasagi sa isipan ko na mawawala ka…pakiramdam ko…dekada ang gugugulin ko para magmukmok at umiyak…kasi importante ka sakin…sobra pa sa inaasahan ko…para kang kaluluwang ihihiwalay sa katawan ko…tuluyan ng mawawala ang pagkatao ko…at ayokong mangyari un…kasi mahal na mahal kita…
sa tatlong buwan na magkasama tayo…kung saan saan na tayo nakarating…sumubok ng iba’t ibang magagandang bagay habang tayo’y tawa ng tawa na para bang mamamatay…wala tayong inaalala…lagi lang tayong masaya…na kahit naba minsan tayo ay pintasera…marunong padin tayong magpakumbaba…na habang magkahawak ang ating mga kamay…patuloy tayong natututo sa pagkakamali…pagintindi…pagpapatawad sa isa’t isa…nakakatuwa hindi ba…kasi nagagawa pa nating mabigyan ng oras ang isa’t isa…kahit marami tayong ginagawa at magkaiba ang oras ang ating mga mata…lagi kong iniisip na lalo akong nagiging persistent kapag naiimagine ko ang nakakunot mong mukha na maya maya ay biglang tatawa…
naalala mo ba nung nag manila zoo tayo…takot na takot ka sa sawang feel na feel kong ipolupot sayo…kasi naman ang kulit kulit ko…dahil talagang gusto kong magpapicture tayo…ok naman natatawa ka sa mga pinagagagawa ko…pero natuwa ako sayo…kasi nagtiwala ka sakin nung pinahawakan ko ang sawa sayo…ayan tuloy mukha kang lasing nung nadevelop ung picture…
minsan naiisip kong bad influence ako sayo…kasi nahahawa ka na sa pagiging lasinggera ko…natatandaan mo ba…lagi tayong nasa nova stop kapag wala tayong magawa…maraming beses na…natakot ka nga kasi baka lumaki ang chan mo hindi ba…hahahahahaha
nagbagong taon…binilang ko lahat ng ating mga ginawa…tignan mo kung tama ha…
january 1: nagsimba tayo sa St. Peters Church…ang t-shirt mo noon ay ung may print na Diet Impossible 700 lbs…ang kulit mo talaga…hahahahaha…
january 5: nova stop galore tayo uli pagkatapos ng dec. 25 at dec. 29 bumalik uli tayo kahit tayong dalawa lang…ganun talaga kapag maraming pera maraming pambili ng alak…pero kumain muna tayo sa Sbarro trinoma branch…kasi mayaman tayo kaya marami tayong pamasahe…hehehehe
January 7: feeling ko neto magkaka nervous breakdown ako…kasi naman ipagluluto kita ng afritada…baka kasi hindi mo magustuhan…ang balak ko nga nun aakyat tayo sa roof top at magreready nako ng halowblocks na may lubid na isasabit ko sa leeg ko…para kapag sinabi mong hindi masarap…tuloy tuloy nako sa baba..
January 9: Dumaya tayo sa happy land para magsaya…out of curiosity ba ang justification ng lakad na ito…hahahaha…
January 11: eto ung para kong matutumba sa antok at pagod pero biglang nagising kasi nagtampo ka…at talahgang natakot akong baka mawala ang tiwala mo sa akin…dahil sa schedule kong wala akong magawa…patawad ha…ayaw ko kasi ng mga ganitong moment…para akong mauubusan ng hininga…
January 14: wala lang namiss ko ang intramuros kaya tumambay tayo don…natatandaan mo ba na ang soot mo nun eh yung pang heneral mong formal at pinakilala kita kay mang Frank…aliw na aliw nga sya non ng panunukso saking tumaba ako…
January 18: Pumunta tayong Rob place first time ayaw ko sanang pumasok pero wala parin akong magagawa…kumain uli tayo sa sbarro…isang white pizza…isang hawain pizza at tig isa tayong half zitti…ang takaw natin diba?…
January 19: Magsisimba tayo sa St. Peters Church pero masyado ata tayong napaaga…yan tuloy pumunta tayong disney land at medyo nagsaya?sa Goldilocks ba? kadiri ang pancit dun…
January 21: Flower Day…Mega effort ako sa paggising sa umaga para makabili ng flower sa kaharian ng Dangwa…umuulan ulan pa naman nun…nakakatuwa…kasi ung bulaklak mukha lang cyang fake pero totoo cya…kasi masaya akong binibigyan kita nun…i love you
January 23: Nanood tayo ng Desperadas…di ganung maganda pero ok nadin…nakakainis lang kasi ang bilis ng oras…humahangos tayong pabalik ng ADU…ayoko ng ganun…hindi natin namamalayan ang oras…nahahati ang atensyon ko ng hindi ko namamalayan…sa palabas at sa katabi ko…ikaw…
January –: confidential hahahahahahahah…eto ang unang pagkakataon na sabay tayo umuwi…pagkatapos ng mga bagay na ginawa ko sa bahay…kargador…foreman etc…
January 26: Pumunta tayong Cavite kasama sila Aj ang saya lasing tayong lahat sa antonov…naalala mo ba…cooking lesson episode 2 ko to…ijujudge mo kasi ang pinatuyuang adobo ko…masaya ako…kasi nagustuhan mo…malungkot naman ako ng 2 percent kasi nalasing ka…hindi natuloy ang plano…parang lugi ako…may natutuhan ako sayo…’tikman mo ito oh…malay mo last day mo na’…hehehehe sira ka talaga…
January 27: nahimasmasan na lahat…pero lahat tamad padin kumilos…si aj malupit….nakatulog na may suka sa buhok…si mimar naman may sipon ata…hindi nya namalayan na nangangamoy suka sa paligid nila…ikaw…nakatiwangwang…nakahiga sa kutchon…mukhang masarap ang tulog mo…dahil wala ka atang namamalayan…ako paikot ikot lang…kasi talagang magigising ako kung itutulak akong palabas sa kama…hahahaha…pero ung pagkalugi ko nung nakaraang gabi…nabayaran na…ok nako solb na…
January 28: May mock ako para sa trabaho kaya nagstay lang tayo sa starbucks at nagaaral ako…ok naman…salamat sa pagintindi mo kasi…naitindihan ko naman lahat ng binasa ko…pagkatapos nun nagutom ako kaya kumain tayo sa tapsilogan malapit sa school nyo…ok nga dun tol…nasarapan naman ako…heheheheh
January 30: late na naman akong dumating sa pagsundo sayo sa school pero ok naman…masaya ako kasi magkasama tayo sa araw na ito…kasi monthsary natin eh…hehehehehe…sobrang gustong gusto ang araw na ito…dahil ito ang unang pagkakataon na magkasama tayo sa pareho nating birthday…grabe…nakakalula…kasi halos araw araw na talaga tayong magkasama…kulang nalang bahay at lupa…sasakyan at negosyo…ok na ok na…
ito ung mga pinag gagagawa natin sa buwan na ito…grabe ang saya natin noh…kelangan habambuhay natayong magkasama…walang sukuan…walang mapapagod at walang magsisisi…kasi alam natin kung bakit…hindi na dapat sabihin…wala naring pakiramdaman…basta alam natin…umiyak man tayo…hindi dahil sa may dinaramdam o may pinoproblema tayo…hindi dahil sa nagsisisi tayo…dahil alam kong andyan ka at alam mong lagi lang akong nasa tabi mo…dahil alam natin pareho…na masayang mabuhay…kasi magkasam tayo…mejo late na pero…papabasa ko parin ito sayo…mahal na mahal kita…lagi…lagi lagi…hindi ako napapagod magpasalamat…dahil alam ni Lord na iisa lang tayo…